Barangay Love Stories - Giah Part 1



Itago niyo na lang po ako sa pangalang Giah. At hayaan niyo pong simula ko ang aking kuwento sa isang pangyayaring hindi ko makakalimutan nito lang nakaraang taon.


Sa ospital noon,..matapos ng magdamagang walang tulog at pag-aalala sa pagbabantay kay Nico. Nasa ICU siya magdamag. Noong umaga na’y hindi ko na malabanan ang sobrang antok. Sa aking pagkaka-upo ay nakatulog ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog pero isang tao ang gumising sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ko ay isang lalaking nakaputi ang tumambad sa paningin ko. Ang doctor. Medyo nahihilo ako dahil sa bitin na tulog at biglaang pagkagising pero malinaw sa mga mata ko ang lunkot sa mga mata ng doctor. Hinintay ko siyang magsalita pero kaagad ko ring nakita sa isang upuan si Nanay si Luisa at umiiyak habang sinasambit ang pangalan ni Nico.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kanang kamay ng doctor sa ibabaw ng balikat ko saka nagsalita;

Barangay Love Stories - Giah Part 2



Noong mag-round ang doctor, sinabi nitong bukas ng umaga ay puwede nang lumabas si Mark. Nakakakain na kasi si Mark noon pero nanghihina pa. Sa tuwing hawak ni Mark ang CP niya, nakakaramdam ako ng galit. Iniisip kong si Margie nanaman ang ka-text niya. Gusto kong magalit sa kaniya pero pinigil ko ang sarili ko. Itinago ko na lang ang galit ko dahil sabi ko sa sarili ko, tama na.



Naisip ko kasi, bata pa ako. 21 years old lang ako noon at marami pang mangyayari sa buhay ko. Marami pa akong makikilala. Makakakita pa ako ng ibang lalaking hindi kagaya ni Mark. Hindi kagaya ni Papa na hindi kuntento sa isa. Masakit isipin na maghihiwalay na kami na Mark kasi ‘yun talaga ang plano ko, ang palayain na siya pag-uwi namin ng boardinghouse. Kaya hindi na ako nagpakita ng galit sa kaniya o pagtatampo. Nagpabait ako sa kaniya. Nagpakabuti ako sa pagaalaga sa kaniya sa ospital kasi,..iyon na huling pagkakataong pakikitaan ko siya ng kabutihan.....................

Barangay Love Stories - Giah Part 3



To cut the story short, ang gusto ni Papa ay magsama ulit sila ni Mama at makakasama namin si Jun jun sa bahay. Sa akin OK lang ‘yun pero nag-inarte si Mama. Bigla siyang tumayo sa upuan at pumasok sa kuwarto niya. Nalungkot si Papa sa reaction na ‘yun ni Mama.

“Pa,..OK lang ‘yan. Akong bahala kay Mama….” Sabi ko saka ako tumayo. Tinapik ko ang balikat ni Jun Jun saka ako pumasok sa kuwarto ni Mama. Nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama at nakatingin sa kawalan.

“Ma,..masyadong malaki ang kamang ito para sa’yo. Ayaw mong may makatabi ulit dito?” Nakatawang tanong ko pero seryoso ang titig ni Mama sa akin at ang sabi niya;

Barangay Love Stories - Giah Part 4



Sinikap kong itago ang saya sa puso ko sa pamamagitan ng pagpigil sa mga labi ko sa pagngiti noong chineck ni Jestoni ang makina ng lumang kotse ni Emily. Kaso matapos ang ilang minuto ay sinabi nitong may piyesang nasunog at kailangan bilhin.

Noon ay kaagad kumilos si Emily. Aalis daw siya sandali upang bumili pero kaagad namang nagsalita si Jestoni.

“Ako na lang maghahatid sa inyo, pagkatapos ay balikan natin itong kotse niyo…” Sabi niya.

“Taga Isabela kami eh. Medyo malayo…” Sagot ni Emily. Tumingin muna sa akin si Jestoni bago siya sumagot ng;

Barangay Love Stories - Rico Part 1


Isang mapayapang oras sa inyong lahat. Kapayapaan. Ito ang isa sa pinakapaborito kong salita. Una ang pag-ibig, pangalawa ang ligaya. Nakakalungkot lamang dahil maraming bahagi ng buhay ko ang hindi nagkaroon ng kapayapaan, pag-ibig at ligaya dahil na rin sa salitang ‘ambisyon’. Alam kong nalalabuan kayo sa gusto kong tumbukin pero aaminin kong ako’y masyadong naging ambisyoso hanggang sa puntong ipagpalit ko ang kapayapaan, pag-ibig at ligaya upang makamit ko lang ang aking ambisyon. Ako si Rico at ito ang kuwento ng buhay at pag-ibig ko.............................

Barangay Love Stories - Rico Part 2


Hindi kami nagtagal ni Efren. Medyo hindi OK ang ugali niya pero may nakilala akong iba na siyang sinamahan ko noong 2nd semester na. Itago na lang natin siya sa pangalang Martin. Kaya lang alam kong hindi rin kami magtatagal kaya’t nag-apply akong waiter at natanggap naman ako. Panggabi ang trabaho ko, hanggang ala una ng madaling araw.


Kahit papaano kumikita ako. Hanggang sa noong magsawa na sa akin si Martin, naghiwalay na kami at ako nagkasera na lang. Bed Spacer lang. Lima kami sa kuwarto...................................

Barangay Love Stories - Rico Part 3


Naputol ang usapan namin ni Elaine sa maliit na park sa gilid ng simbahan noong may tumawag sa pangalan ko. Si Cori na noon ay kababa lang sa traysikel ng isang kabarkaga niya. Noon ay umalis na si Elaine ng hindi man lang lumingon sa akin at kahit noong tawagin siya ni Cori ay hindi siya lumingon. “Buti dumating ka ‘tol…” Medyo nakangiting sabi niya. “Paalis na rin ako ‘tol. Pakibigay na lang kay Rizza tong regalo ko…” “Bakit naman aalis ka kaagad?” malungkot niyang sabi niya. Nakantingin siya noon sa hawak kong digicam. “Eh…may pasok pa ako…” Sabi ko pero kinuha niya sa kamay ko ang DigiCam. “Mamay ka na umalis. Pichuran lang natin sina Rizza. Halika sa loob…” Sabi niya pero sinabi kong hintayin ko na lang siya sa park. Umupo sa concrete bench hanggang sa may naisip ako..................................

Barangay Love Stories - Rico Part 4


Sa simbahan ang meeting place namin ni Connie. Nagbiro pa siya; “Sa simbahan na yan ba tayo ikakasal?” text niya. “Puwede rin…” sagot ko. Kaso nung dumating kami ni Cori sa simbahan ay wala pa sina Connie. Niyaya ko si Cori sa loob. Nagdasal ako pero hindi ako lumuhod. Nakaupo lang ako. Inimikan ako ni Cori. “Tol, nagdadasal ka ba?” Natawa ako. “Lumuhod ka kung magdadasal ka para pakinggan ka ni Lord…” Sabi niya. Pero naunahan pa niya akong lumuhod kaso natatawa ako. May mga babae kasing dumaan, galing sa malapit sa altar at nakatingin sila sa amin. Kaya lang napansin kong sumeryoso na si Cori sa pagdadasal. Nakayuko at nakapikit....................................

Barangay Love Stories - Renata Part 1


Itago niyo na lang po ako sa pangalang Renata. Isa po akong OFW at kasalukuyang nandito sa Malaysia. Labis kaming natuwa noong malaman naming mayroon na kayong on-line streaming. Agad ko ding ipinamalita sa mga kaibigan ko na nasa iba’t-ibang mga bansa na rin at kapareho kong adik sa Love Story noong High School years namin diyan sa Cagayan. At kung linggo-linggo ay napapansin ninyong ang daming naka-on line sa ustream ninyo, asahan ninyong kami ‘yun dahil madalang naming palipasan ang Linggo na hindi nakatutok sa programa mo.

Actually, last year ko pa sinimulan ang pagsusulat ng kasaysayan ng buhay ko Papa Bono pero mas lalo akong na-excite tapusin ito ngayong alam kong mapapakinggan ko na kahit nandito ako sa ibang lugar. Sure din ako na mapapakinggan ito ni Mamerto kasi siya ang kauna-unahan kong pinagbalitahan ng tungkol sa online streaming niyo last year. Nasa Dammam, Saudi Arabia si Mamerto ngayon at isa din siyang adik noon sa inyong programa.........................


Source: Papa Bono

Barangay Love Stories - Renata Part 2


3RD year na ako sa BSIT noong makilala ko si Simon. Actually dati ko na siyang kilala pero hindi niya ako kilala. Ibang block kasi siya pero noong 3rd year kami ay tatlong subjects ang ka-klase ko siya. Bigla na lang siyang lumapit sa akin isang gabi habang naghihintay kami ng professor namin. “Alam mo bang alam ko,..kung may gusto sa akin ang isang babae…” Ganito ang napakasimpatiko niyang sabi. Mabango siya at talagang guwapo, lalo na ang kaniyang mga mata na parang laging nakatawa. “I’m sure. Crush mo ako…” ganito ang sumunod niyang sinabi. “Eh ano ngayon?” ganito naman ang pasuplada kong sagot. Hindi naman talaga ako suplado pero talagang napreskuhan ako sa kaniya.................................

Barangay Love Stories - Renata Part 3


“Hindi ako magdududa sa sinabi ng babaeng ‘yung DHD…” ganito ang palatak ni Mamerto noong ikuwento ko sa kaniya ang tungkol sa sinabi ng babaeng kaibigan ni Richardson. “Huwag ka kasing mag-ilusyon na iibigin ka ng ganon ka-guwapong lalaki. Huwag kang tatanga-tanga. Maloloko ka lang!” Sumimangot na lang ako sa masakit na salitang ‘yun ni Mamerto, lalo na ang salitang tatanga-tanga. Hindi naman talaga ako tanga. Nagta-top ako sa klase, lalo na sa mga major subjects ko sa IT. Kaya lang boss ko siya at hindi ko siya puwedeng awayin. Mahal ko na si Richardson at parang OK lang sa akin ang magpakatanga basta maging boyfriend ko lang siya. Kaya naman noong muli niya akong sinundo isang gabi upang kumain kami sa labas ay sumama ulit ako. Kaya lang, gusto kong magpasalamat dahil nagdala ako ng wallet. Wala akong cash pero may ATM card ako sa Savings Account ko...........................

Barangay Love Stories - Renata Part 4

3 weeks pa akong naglingkod kina Paolo at Mamerto bilang katulong nila kahit graduate na ako. Pareho na silang nagta-trabaho noon kasi nauna naman silang nag-graduate sa akin. Pero after 3 weeks since nag-graduate ako, isang text message mula sa isang recruitment agency ang na-receive ko. Isa daw ako sa Top 10 ng aming batch sa BSIT. May chance daw akong makapag-trabaho sa Australia, Malaysia, Taiwan, Thailand o Singapore.

 Nagpunta nga ako sa agency na ‘yun at nakita kong napakaraming Fresh Graduates ang naroon. Seminar pala para sa mga IT graduates na gustong magtrabaho sa ibang Asian countries. Napakarami namin. Mga graduates ng iba’t-ibang schools. Nag-attend ako ng seminar, tatlong araw ‘yun. Tiniis ko ang tanawing hindi ko gusto, ang tanawing hatid nina Zaira at Simon. Oon Kapuso, kasama sila sa mga nag-seminar. Magaling magsalita si Zaira kaya’y nakapag-pasikat siya sa seminar at si Simon ang unang pumapalakpak pagkatapos magsalita ni Zaira...................................

Barangay Love Stories - Karmila Part 1


May isang araw noong 3rd year High School ako, taong 2004 ‘yun. Kapapasok ko pa lang sa tulugan ko, galing ako ng school at magbibihis na ako ng pamabahay. Nang ilapag ko ang school bag ko sa maliit na mesa sa tabi ng aking katre, natigilan ako. May cellphone. May cellphone sa ibabaw ng mesa.

Nokia 3310 at mukhang bago. Agad ko itong hinawakan sabay labas ng silid ko upang magtanong kay Mama o kay Papa. Pero agad kong nabungaran si Papa sa pinto ng kusina, nakangiti.

“Nagustuhan mo ba anak?” tanong niya. Sandali pa akong natigilan dahil parang hindi ako makapaniwalang akin pala ang CP na ‘yun. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng cellphone dahil iyon ang isang bagay na kinaiinggitan ko sa mga kaibigan at ka-klase ko...............

Barangay Love Stories - Karmila Part 2


Iniyakan ko ng ilang gabi ang pagsupalpal sa akin ni Peterson pero pasalamat pa ako dahil hindi niya ikinalat sa mga ka-grupo o ka-classmate ang tungkol sa akin. Pero talagang nahihiya ako sa kaniya. Ang ginawang ‘yun ni Peterson ay ayaw ko nang maulit kaya’t tinanggap ko ‘yun bilang isang leksyon. Iniwasan ko nang makipagtextmate. Ang mga dati kong textmate, hindi ko na nirereplayan. Kung hindi lang ako nanghihinayang sa pera, bibili sana ako ng bagong SIM Card pero matindi ang pagtitipid ko sa allowance ko.


“Bakit di ka na nagrereply? May kasalanan ba ako sa’yo?” ganito ang tanong ni Jiro isang gabi. Matagal ko nang textmate si Jiro at parang nakonsensiya ako dahil pati siya ay nadamay sa pag-iwas ko sa mga textmates ko......................

Barangay Love Stories - Karmila Part 3


Pero alam mo Papa Dudut, noon ay insip kong malaki ang kapalit ng mamahaling regalo sa akin ni Jiro. Inisip kong pinaghandaan niyang may mangyari sa amin. Naging maalab ang halikan namin noon at lubha siyang natangay. Sa sulok ng likod ng trak ay naglatag ng plastic na banig si Jiro. As in nagdala talaga siya ng banig kaya inisip kong plinano niyang may mangyari sa amin at hindi ko nagawang tumanggi dahil, hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang tumutol.



Nakuha ako ni Jiro at kahit noong tapos na kami, tulala man ako dahil naipagkaloob ko ang sarili ko sa kaniya sa likod mismo ng trak..ay hindi ko siya nagawang sumbatan at ni hindi rin ako nakadama ng takot o pagdududa. Inihatid ako ni Jiro noon sa bahay, alam kong nag-aalalala na sa akin si Papa noon pero pinili pa rin ni Jiro na huwag munang magpakita sa aking ama. Hindi na ako nagtanong kung bakit dahil alam ko namang ang depekto ng kaniyang pananalita ang idadahilan niya. Hinayaan ko na lang................................

Barangay Love Stories - Karmila Part 4


Sa kawalan ng magawa, naisipan kong ibenta ang CP na regalo ni Jiro sa akin, ang c905 pero lahat ng lapitan ko ay binabarat ako. Bibilhindaw nila ng 2,000, yung iba 1,000 pa samantalang ang original price ay mahigit 20,000 pag bago. Kahit hindi sinabi ni Jiro noon kung magkano ang pagkabili niya ng CP ay nakita ko naman ito sa internet. Hanggang sa naisipan kong isanla na lang sa pawnshop at sa Cebuana ay nagtagpo kami ng hipag ko na si Ate Marita, ang asawa ni Kuya Arlon. Tatanggap noon ng pera si Ate Marita mula sa kapatid niya sa Singapore. Sinabi ko sa kaniya na kailangan kong isanla ang CP ko dahil magbabayad ako ng tuition fee. Pinigilan niya ako, bibigyan na lang daw niya ako pero huwag kong sasabihin kay Kuya Arlon. Sobra ang pasasalamat ko noon sa mabait kong hipag. Dahil sa kaniya ay natapos ko ang semester na ‘yun...........................

Barangay Love Stories - CheChe Part 1


Magandang araw sa lahat ng mga kabarangay nating nakikinig ngayon. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Che Che. Shortcut lang po ito ng pangalan ko. Masyado kasing makaluma ang totoong pangalan ko na pangalan daw ng Nanay ng Lola ko at ipinangalan lang sa akin. Ang kuwentong ito ay kuwento ng First Love ko. I’m sure na maraming makaka-relate dahil halos lahat tayo ay nagkaroon ng tinawag na First Love. Nagkataon lang siguro na kakaiba ang First Love ko but still, I know you’ll enjoy listening to the story of my First Love.

Barangay Love Stories - CheChe Part 2


Noong sumapit ang bakasyon matapos ang unang taon namin sa college, magaan pa naman ang loob kong makasalamuha ang pamilya ko kasi hindi pa ako guilty. I mean, may mga nagawa akong hindi tama na hindi alam ng family ko pero hindi naman masasabing kasalanan. Ang pagsama-sama ko lang naman kay Ate Beth ang mga kapalaluang masasabi kong hindi OK at siyempre ang mga pag-a-absent ko kapag may gimik kami ni Ate Beth. Maliban sa mga ito ay wala na akong nagawang ibang kasalanan.



Hindi ako nakipag-boyfriend. Ito ay naiwasan ko kahit na maraming nagtatangkang manligaw na mga ka-klase ko at mga kapit-boarding namin. May mga kaibigan din sina Kuya Benjie at Kuya Cliff na na nire-reto nila sa akin pero wala akong nagustuhan sa kanila at dumaan ang unang taon ko sa college na walang boyfriend kaya nanatili akong never been kissed, never been touched.................

Barangay Love Stories - CheChe Part 3


Noong matapos ang klase at palabas na kami ni Ira ng classroom upang lumipat sa next classroom namin ay hinabol ako ni Aleck. Hinila pa niya ang braso ko.



“Chelmirita….” Narinig kong tawag niya sa pangalan ko. Bahagya akong napahiya dahil may nakarinig sa pagsambit niya ng kumpletong first name ko. Agad ko siyang nilingon kasabay ng pagbayo ng dibdib ko dahil sa nerbiyos. Pero isang boses lalaki ang narinig kong tumawag sa pangalan ni Aleck. Paglingon ko’y ang professor namin ang tumawag sa kaniya at mabilis niya itong nilapitan. Noon ay hinila na ako ni Ira upang kami’ tumuloy na susunod naming classroom. Pareho kaming bago ni Ira sa Public Ad. Galing siya ng Educ.................

Barangay Love Stories - CheChe Part 4


Ang hirap ng naging sitwasyon ko noon Kapuso. Hinid ko sineyv ang number ni Aleck. Sinadya ko dahil gusto ko na rin siyang iwasan kahit alam ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Naisip kong ganun din ang ginawa ni Aleck, sinikap din niyang umiwas dahil ‘yun talaga ang tama, kahit masakit at mahirap.



Hindi siya pumapasok. Ilang araw kong sinadyang antabayanan siya sa mga subjects na magka-klase kami pero wala siya. Hanggang sa isang gabing may tumawag sa akin. Bagong number. Babae...........

Barangay Love Stories - Lodrey Part 1



Ako po kapuso ay may nag-iisang kapatid; Si Reynold. Siya ay kakambal ko pero kaming dalawa ni Reynold ay lumaki sa piling ng ibang tao. Ako ay pinalaki ni Tito Rem at si Reynold naman ay inampon ni Tito Magnum. Hindi naman sila kaano-ano. Sila ay mga matatalik lang na kaibigan ng aming ama.



Ayon sa kuwento ni Tito Rem, nabuo ang pagkakaibigan nila noong First Year sila sa college sa University Of Manila. Magkakatabi daw sila noon sa upuan dahil silang tatlo ay magkakapareho ng apelyedo; Santos. Mula daw noon ay tinatawag silang Santos Brothers kahit hindi naman sila magkakapatid ngunit sila ay naging matatalik na magkakaibigan na nagturingan bilang magkakapatid, hanggang sa sila ay nakatapos ng pag-aaral.....................

Barangay Love Stories - Lodrey Part 2


Noong college na ako, napakaraming magaganda sa school, kahit sa klase pero ang tingin ko sa kanila, laruan lang. Mahusay na akong manligaw, pero iniiwasan kong mahulog. Napansin ko lang parang iba ang First Year college. Sa mga babae, nag-aagaw ‘yung kagustuhang maglandi at mag-aral mabuti. First year kasi eh. Kaya noong 1st year ako, nakaranas ako ng tatlong beses na pagka-basted pero OK lang dahil nagkaroon naman ako ng apat na girlfriends at dalawa sa kanila ang nakuha ko.



2nd year at 3rd year ay nagbilang ulit ako ng babaeng dumating at umalis sa buhay ko pero wala akong seneryoso sa kanila. Usong-uso na ang text noon at madaling magka-girlfriend sa text. Karamihan ng mga napaglaruan ko ay naging textmate ko muna. Ipapa-ere ko lang ang isang SIM Card ko sa radyo, ilang oras lang may makakalaro ka na..........................

Barangay Love Stories - Lodrey Part 3



Kaya lang, tatlong buwan pa lang ako sa Dubai ay nakakadama na ako ng duda para kay Regine. Sabi kasi niya, nakunan daw siya. Sa tatlong buwan ko sa Dubai mula noong iwan ko siya, dapat malaki ang tiyan niya, tapos nakunan pa. Gayunpaman ay hindi ko ipinadama sa kaniya ang pagduda ko. Kaso, may mga nakakarating na balita sa akin na hindi magaganda tungkol kay Regine. Sinasabi nilang madalas daw siyang umuwi sa bahay ni Tito Rem at nagtatagal siya doon. May nakakita pa raw na naglalambingan sila.



Sumama ang loob ko noon hindi lang kay Regine kundi pati kay Tito Rem. Alam ko kung gaano kahilig si Tito Rem sa babae pero hindi ko maisip na pati ako ay tatalunin niya. Gustong-gusto ko nang umuwi noon para malaman ko ang totoo kaso may kontrata ako na dapat tapusin.........................

Barangay Love Stories - Lodrey Part 4



Kahit may mga luha noong bisperas ng paskong ‘yun ay masasabi kong isa ‘yun sa pinaka-the-best na pasko sa buhay ko. Hind matigil-tigil ang paghingi ni Papa ng tawad sa amin ni Reynold dahil daw sa pagkakapaslang niya ng aming ina. Tuloy ay hindi raw namin naranasan ang mabuhay sa pilin ng isang ina, lalo na ako.



Pasko yun kaya’t hindi mahirap sa akin ang magpatawad. Isa pa, nauunawaan ko si Papa at para sa akin ay wala siyang kasalanan. Nagkasala man siya sa batas ay pinagbayaran naman niya ito sa kulungan sa loob ng dalawamput isang taon...........................

Barangay Love Stories - Makisig Part 1


Magandang hapon. Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang MaQui, short po ng real name kong MaQuizig. Makisig po kasi ako, hindi sa pagyayabang. May lahit kaming Kastila at Indian o Bombay. Hindi ko lang alam kung paano ipaliwanag kung ilang porsiyento ang kastila sa dugo namin at ilan din ang Indian, basta sa aming magkakapamilya, makikita mo sa aming itsura na hindi kami purong Pinoy. Pero siyempre, sa ugali at paniniwala pinoy na pinoy kami, sa katunayan kahit sa uri ng pamumuhay ay bahagi ang aking pamilya ng mas nakararaming grupo ng mga pinoy, ang grupo ng mga mahihirap................

Barangay Love Stories - Makisig Part 2


May isang araw ng Linggo, iyon ay araw ng aking pahinga. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumabas at lumakad papunta sa tirahan nina Lena. Kaagad akong napangiti noong makita ko siyang nakaupo sa kanilang maliit na terrace. Noong makita niya ako’y napangiti na rin siya.

Nagkamustahan kami. Pinaupo niya ako pero agad siyang humingi ng paumanhin dahil wala daw siyang maiaalok man lang sa akin.

“OK lang. Busog naman ako at saka hindi naman ako pumunta dito para makimeryenda…” sabi ko.

“Eh bakit ka napunta dito?” tanong niya sa kaniyang mahiyaing tinig.......................

Barangay Love Stories - Aiam Part 1


Accha Dina! Ito po ay pagbati ng magandang araw sa salitang Hindi, ang lengguwahe ng mga Indian. Naimbag nga aldaw! Para sa mga kaibigan ko diyan sa Burgos, Ilocos Norte! Lalo na kay Manang Lina at Manong Osep. And a pleasant day for Maam Steffanie at Sir George. At kay Melissa, magandang oras sa’yo. Kung nakikinig ka ‘san ka man naroroong ngayon, nais kong malaman mo na nasa mabuti akong kalagayan at kung mayroon mang isang tao na labis kong kinasasabikang makita, makusap at makasamang muli;—ikaw ‘yun Melissa................

Barangay Love Stories - Aiam Part 2


Noong mga panahong ‘yun ako nakakaramdam ng lihim na pag-ibig para kay Melissa. Maganda kasi si Melissa, maitim nga lang kagaya namin dahil wala namang maputi sa lugar namin noon maliban lang kina Maam Steff at Sir George. Pero sabi ni Lolo Igme, maputing-maputi naman daw ako noong baby ako. Mana daw ako kay Mama sa kaputian pero noong lumalaki na ako ay nagbago na ang kulay ng balat ko.

Tabing-tabi kasi kami ng dagat kaya’t natural sa amin ang umitim. Pero kahit sunog din ang balat ni Melissa ay napakaganda ng buhok niyang mahaba, deretso at malambot. Gustong-gusto ko siyang pinagmamasdan kapag nililipag-lipad ng hangin ang buhok niya..............................

Barangay Love Stories - Aiam Part 3



Tapos na ang bahay nina Maam Steff noon pero may ilang parte na gusto niyang baguhin ang pintura kaya siya nagpatulong sa akin. Noon kami nagkakuwentuhan ng matagal habang nagpipintura kami at nabanggit ko sa kaniya na yung bombay ay may kilala daw na kamukhang-kamukha ko. Natigilan sa pagpipintura si Maam Steff at napatingin sa akin sabay tanong;

“Are you hoping to meet your father?”

“Yes,..of course…”

“Well. Good luck…and I will pray that once you meet him,..he will be very kind to you….” Malungkot niyang sabi. Noon naman ako nakapagtanong tungkol kina Steffano at Sir George dahil sa napansin kong parang hindi sila close.........................

Barangay Love Stories - Aiam Part 4


Nahihiya na rin ako noon kina Maam Steff dahil hindi na ako honest sa kanila. Hindi kasi nila alam na may nangyayari na sa amin ni Steffano. Naramdaman ni Maam Steff ang pag-iwas ko sa kanila, lalo na noong kausapin niya ako tungkol sa pag-aaral ko sa college. Siya daw ang bahala sa lahat. Tumanggi ako dahil hindi ko na kayang tumanggap pa ng kabutihan mula sa kanila. Nagdahilan na lang ako na wala akong ganang mag-aral dahil kay Melissa.

Inabangan ko nalang ang muling pagsasabi ni Aling Rema sa akin dahil ‘yun ang usapan namin. Kapag kailangan nila ng pera, sabihin lang sa akin. Pero dumaan ang mga buwan, hindi siya nagsasalita. Hanggang sa ako na ang nagkusang magtanong kung kailan ulit ang schedule ni Melissa ng para sakaniyang chemotheraphy. Ang sagot niya...........................

Barangay Love Stories - Lily Part 1


In two months, ikakasal na ako. Simpleng kasalan lang. Hindi naman kasi uso ang magarbong kasalan dito liban lang sa mga celebrities, politicians, at mga business icons. Importante ang pera dito, lalo na kapag commoner ka lang. Ready-made lang ang gown ko pero maganda at bagay sa akin. Kung meron man sigurong espesyal sa kasal ko ay ang mga bulaklak na ipapalamuti sa kapilya at sa reception. Expected na ito ng sino man sa mga kaibigan namin dahil ang mapapangasawa ko ay isang florist o flower arranger. Siya si Steven.



Sa ngayon, tapos na ang mga invitation at nasa punto ako ng pag-iisip kung sino pa ang gusto at puwede kong imbitahan sa kasal namin. Hindi naman kasi madali ang mag-imbita ng lahat ng kaibigan ko dahil alam kong malabo silang makapunta. Pero kung puwede lang ang mag-imbita. Mayroon sanang isang tao na kauna-unahan sa aking listahan. Siya ang taong hindi ko kailanman makakalimutan. Ang taong inibig ko no despite of all differences ang taong nagturo sa akin kung paano mabuhay. Siya si Omar. Ang lalaking nasa puso ko pa rin kahit ako ay ikakasal na kay Steven.........................

Barangay Love Stories - Lily Part 2


May isang hapon na text ako ng text kay Wendel pero hindi siya nagre-reply. May project kasi kami noon pero individual at worried ako kay Wendel kasi feeling ko, hindi siya nakagawa ng project niya. Deadline na kasi kinabukasan. At dahil hindi ko siya ma-contact ay nagdecide akong magpunta sa bahay nila.



As usual, ang daming boarders sa salas kaya’t tumuloy na lang ako sa kuwarto ni Wendel. Agad kong naramdamang nandoon siya dahil bahagyang naka-awang ang pinto pero nang malapit na ako ay nakarinig ako ng boses ng babae sa loob at para silang nag-aaway.................................

Barangay Love Stories - Lily Part 3


Ganon kami kadaling naghiwalay ni Wendel, pero mahirap ang ginawa kong pagpasok sa buhay ni Omar dahil pati siya, sarado siya sa usaping magkakaroon kami ng relasyon. 3 days matapos kaming mag-break ni Wendel ay pinuntahan ko si Omar pero hindi na siya nakangiti sa akin. Feeling ko, hindi na ako welcome sa Artrium niya.



“May kasalanan ba ako?” mahinang tanong ko habang nagka-cut siya ng stensil para sa letterings.........................

Barangay Love Stories - Lily Part 4


Aminado ako na naguguluhan din ako sa pagmamahalan namin ni Omar. Siya ang sinisigaw ng puso ko, malakas na sigaw ‘yun pero may pagtutol ang isip ko. Kaso napatunayan kong sobra ko siyang mahal nang malaman ni Tita na lumalabas ako kapag wala siya at pinagbawalan na niya akong lumabas kaya’t hindi ko na nakikita at nakakasama si Omar. Sa text na lang kami nakakapag-usap. Mahigit tatlong lingo ‘yun na hindi ko siya nakita. May mga pagkakataong tumatawag siya upang iparinig niya sa akin sa cellphone ang pagtugtog niya ng violin at gitara. Sinasabi niya lagi na pagdating nga araw,..mamimiss ko ang pagtugtog niya............................

Barangay Love Stories - HP Part 1


Dear Papa Dudut,

Hi! Just call me HP, as in Hi Papa! Or Hello People. HP, as in Horse Power. Puwede ring Harry Potter. FYI. 4th year college ako ngayon sa University Of Saint Louis Tuguegarao. Hopefully, ga-graduate next year. May facebook ako, pero 85 pa lang ang friends ko. Siguro, pagkatapos mabasa ang kuwento kong ito, kung mababasa,..dadami na ‘yan. Baka umabot na sa 2000 gaya ng mga nagpapadala ng kuwento sa inyo gaya ni Jasmine Angela Velasco na lagi kong nakaka-chat at isa din si Jasmine sa mga nag-encourage sa akin para i-share ang kuwento ng buhay at pag-ibig ko.

Ayos lang naman ang family ko. Nakaka-ahon na rin kami sa hirap mula nang makapagtrabaho sa Europe ang panganay naming si Ate Laida. Siya ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. Valedictorian siya mula Elementary hanggang High School. Dean’s lister pa noong college sa kursong Nursing, pero ang bagsak sa Europe, Caregiver...................

Barangay Love Stories - HP Part 2


Kinabukasan sa school, may narinig akong salitang ‘rapist’ at yung babaeng bumigkas ng salitang ‘yun ay nakatingin sa akin. Ang babaeng ‘yun ay si Donna na barkada ni Micah. Tinangka kong lapitan si Micah pero talagang hindi na niya ako pinapansin. Alam mo ‘yung para kang hangin na nararamdaman pero hindi nakikita? Ganon ang ginawa ni Micah sa akin.

Sobra ang pagsisisi ko noon sa ginawa kong ‘yun kay Micah. Sana, hindi ko na lang pinatulan ang sulsol ni Jerome. Kaso, hindi ko naman puwedeng sisihin si Jerome kasi yung sa kaniya, effective. Siguro, talagang mahina lang sa tukso si Jennilou kaya nakuha siya ni Jerome. Si Micah, iba. Pero sa totoo lang, muntikan na rin eh. Natakot lang talaga siya sa nakita niya sa akin..........................................

Barangay Love Stories - HP Part 3


Barangay Love Stories - Shelby Part 1


A blessed afternoon to one and all. Ako po si Shelby. Mahigit isang taon na rin ako dito sa Cagayan at mula noong unang buwan ko dito ay nahumaling na ako sa inyong napakagandang programa. Noon pa lang ay ninais ko nang isulat din ang kuwento ng buhay ko ngunit hindi lamang ako nagkaroon ng pagkakataon dahil naging abala ako sa maraming bagay, hindi lang sa pag-aayos ng aming bahay kundi maging ang aming buhay.



Pero bago ko narating ang estadong ito ng aking buhay at bago ako napadpad dito sa Cagayan, ay balikan muna natin ang isang pangyayari noong December 9, 2010. Dumating ako sa office at nadatnan ko sa table ko ang isang bouqet of red roses. Si Teo kaagad ang naisip ko noon. Siya lang naman ang lalaking baliw na baliw sa akin sa kumpaniya,…pero kasunod ‘non ay ang pagsulpot ni Robin mula sa pinto, nakatitig sa akin habang marahang lumapit. Nakatitig siya sa mga mata ko, hanggang sa napansin kong may dinukot siya mula sa kaniyang bulsa. Isang maliit na kahon, agad kong nahulaang singsing ‘yun.

Barangay Love Stories - Shelby Part 2


Si CJ, alam kong naniniwala siya kay Mama o kaya siguro gusto pa rin niyang maging isang mabuti at masunuring anak kay Mama kaya’t hindi siya tumanggi sa kagustuhan ni Mama. Fresh graduate sa kursong BSIT si CJ noon at hindi pa siya nakakapagtrabaho.


Pero sa Davao ay malinaw ang magiging buhay ni CJ. Magbubukid siya, aakyat ng buko, magko-copra. Mga trabahong alam kong hindi niya kayang gawin pero magpapatigas daw sa pagkatao niya sabi ni Tito Oscar. Umiyak si CJ noon pero hindi siya tumutol dahil wala sa aming magkakapatid ang marunong kumontra sa gusto ng parents namin...........................

Barangay Love Stories - Shelby Part 3


Sa restaurant pa rin,..noong matapos kaming kumain ni Teo ay tinanong ko siya;

“Teo,..paano mo buburahin sa isipan ko na maaaring gagamitin mo rin lang ako para makuha mo ang mana mo?” Mabilis ang naging sagot niya.

“Kahit wala akong mana Shelby. Ang maging akin ka,…ay higit pa sa kahit anong mana!”

“Tinatanong mo kung bakit sa dami ng babae sa mundo, ako pa ang napili ni Robin na ligawan. Eh ikaw, bakit ako ang napili mo?”.........................................

Barangay Love Stories - Shelby Part 4


Isang taon at tatlong buwan ang dumaan. March 7, 2010 nandito na ako sa Cagayan at ako ay asawa na ng isang Ilokano na nagmana ng lupain mula sa kaniyang lolo. Sa Maynila ginanap ang simpleng kasalan.

May branch kami dito kaya’t nagpalipat na rin ako dito maging ang asawa kong si….Teo ay nagpalipat na rin dito. Oo kapuso, si Teo ang pinakasalan ko pero kinausap kong mabuti si Robin. Ang sabi ko;

Barangay Love Stories - Sherilyn Part 1


Magandang oras po sa inyong lahat. Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Sherilyn. Mula noong mamulat ako sa mundong ito naging napaka-ordinaryo ng buhay ko. Hindi ako kapos sa pera o material na bagay dahil suportado ako ng mga auntie kong nasa abroad. Ang kulang sa akin, pagmamahal.

Noong magkaisip na ako, nagsimula akong maghanap ng pagmamahal…at noong matuto na akong umibig, noon ako nagsimulang mangarap. Simpleng pangarap lang na makakatagpo ako ng taong magmamahal sa akin at mamahalin ko rin,..yun ang aking naging pangarap.

At noong 1999. Pista namin noon,..noon ko nakita ang lalaking tutupad sa aking simpleng pangarap. Masasabi kong Love at first sight ‘yun dahil noong unang salubong pa lang ng aming mga mata, naramdaman ko kaagad ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya............................

Barangay Love Stories - Sherilyn Part 2



Taong 2005 nung magtapos kami sa kolehiyo pero gustuhin ko mang mag-trabaho, wala din akong mapasukan dito. Hindi ko naman puwedeng iwanan si Lola Marga dahil sabi ng mga Auntie ko, pasuwelduhin na lang daw nila ako para lang may kasama si Lola.

Hindi nila maintindihan ang katotohanang gusto ko naman sanang lumabas sa bayang ito at hanapin ang kapalaran ko sa ibang lugar. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil sa totoo lang, wala naman akong puwedeng isumbat sa kanila. Si Lola Marga naman, wala ding problema sa kaniya maliban lang sa pang-iinis niya sa akin na magmamana daw ako sa mga anak niyang matandang dalaga..................

Barangay Love Stories - Sherilyn Part 3


Nung sumunod na gabi, nagulat ako dahil biglang tumawag si Nico. Ang lalakas ng paghinga niya.

“Sherilyn,..huwag ka munang magtetext. Kukunin ni Papa ang mga CP namin. Hintayin mo na lang ako sa linggo..” Pagkatapos ‘non ay wala na siya sa linya. Napangiti na lang ako at hindi ko maiwasang mainis sa kanilang ama. Sang-ayon kasi ako sa pananaw ng Mama ni Nico. Bakit kailangan pa silang pahirapan bago bigyan ng mana? Anak naman niya ang mga ito at obligasyon ng mayamang magulang ang bigyan ng kabuhayan ang mga iiwan nitong anak.

Maarte ang ama nila, pero hanga ako kay Nico kung totoo mang hindi niya ginagawa ang challenge dahil lang sa mana. Nauunawaan ko siya kung bakit gutom siya sa pagmamahal ng isang ama, dahil ganon din ako. Sinanay ko lang kasi ang sarili kong walang ama. May Tatay ako, nasa Nueva Vizcaya pero hindi ko siya nakakasama mula pa noong maliit ako...............................

Barangay Love Stories - Sherilyn Part 4



Dumalaw nga si Daniel, may dala pang bulaklak at laruan para kay Nicky. Tuwang-tuwa ang anak ko na noon ay 3 years old na at marami nang nasasabi kay Daniel kahit hindi naman niya kilala. Sandali silang naglaro at nakaramdam ako ng awa sa anak ko. Hindi pa siya marunong maghanap ng ama,..pero alam kong sa panahong may isip na siya’y maghahanap siya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.

Pero may isang umaga. Alam kong tinanghali ako ng gising. Nagtaka lang ako dahil wala sa tabi ko ang anak ko,..pero paglingon ko sa kabilang side ng kama. Mukha ng lalaki ang nakita ko,…ang mukhang kay tagal kong inaasam na makita ulit,..mukha ni Nico..................................

Barangay Love Stories - Gabelle Part 1



Paano mo ba maipadadama ang pag-ibig sa puso mo para sa taong mahal mo kung umid ang iyong dila. Paano mo maipapakita sa gawa ang pagmamahal na iyan kung bumabara sa ugat mo ang utos ng utak mo na huwag mo itong gawin. Paano mo ba wawalain ang tumigas ng pride sa katauhan mo kung ang ipaglaban siya ay hindi mo nagawa dahil sa kagagawan ng iba. Magandang araw mga kabarangay inyo pong mapapakinggan ang kwento ni Gabelle………………………………

Barangay Love Stories - Gabelle Part 2



Madali lang akong nawawala sa focus kapag may problema ako kaya’t naaapektuhan ulit ako sa aking pag-aaral. Nawalan ako ng interest dahil hindi ko nakitaan ng interest si Frank na pakasalan ako. Sari-sari ang pumapasok sa isipan ko. Sabi niya ay magtatapos lang daw siya ng pag-aaral at magpapakasal kami. Pero naisip ko pano kung tapos na siya tapos ay bigla siyang nawala. Lalayo na lang siya at magtatago sa malayo. Hindi gigil kong sigaw sa sarili ko. Tinext ko siya noon at sinabi kong magsasabi na ko sa Mama ko at Ate ko ...............................................

Barangay Love Stories - Ely Part 1


Sabi nila, ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.

Magandang oras po sa inyong lahat. Ako po si Ely. Namulat po ako sa buhay na mas masasabing mahirap kesa may kaya. Ang aming Tatay ay magsasaka at si Nanay ay sa bahay lang.

Tatlo kaming magkakapatid. Lalaki ang aming panganay, ako ang sumunod at si Evita ang bunso. Limang taon ang agwat ng bawat isa sa amin. Halatang maayos itong plinano ng aming magulang.

Noong ako ay mag-college, nasa abroad na si Kuya Erol na panganay namin matapos kumuha ng dalawang taong Electrical Vocational course dito sa Tuguegarao. Dahil sa tulong ni Kuya Erol ay nakapag-enroll ako ng kursong Nursing sa Laoag City, Ilocos Norte. Ito kasi ang pangarap kong kurso. Mahigpit nga lang noon ang bilin ni Kuya na bawal sa akin ang makipag-boyfriend at umiwas ako sa barkada. Nagawa ko naman ito sa unang dalawang taon ko sa college ngunit noong 3rd year na ako, hindi ko na naiwasan ang umibig. Sabi ko, tao lang ako. Normal ang pagkakabae ko kaya’t natural lang ang magmahal.................

Barangay Love Stories - Ely Part 2


Kahit papaano Papa Dudut ay nakakaraos naman kami ng anak ko noon kahit na masasabing kakarampot lang ang suweldo ko. Masasabi kong maayos naman kami kaya lang, nagsimula akong matakot noong maramdaman kong may pagnanasa sa akin si Mang Robert na landlord ko. Unang tuklas ko ng kaniyang masamang hangarin ay noong makita ko ang mukha niya sa bintana ng banyo kung saan ako naliligo.

Pangalawa ang paghawak niya sa kamay ko habang nagluluto ako sa kusina at pangatlo ang walang pakundangan niyang pagpasok ng madaling araw sa kuwarto ko at nag-aalok ng pera, pagbigyan ko daw lamang siya.

“Gusto ko lang magkaanak…” ganito ang narinig kong sabi niya.

“Huwag kang mag-alala Ely,..hindi ko kayo pababayaan…” sabi pa niya.

“Eh may anak naman na po kayo, si Elaine…at saka ayaw ko pang magalit sa akin si Aling Susan kaya para na po ninyong awa Mang Robert,..lumabas na po kayo…” Takot na takot kong pakiusap noon pero ang sagot niya...........................................

Barangay Love Stories - Ely Part 3


Noong year 2006, bumalik ako ng Korea dahil may magandang trabaho daw para sa akin. Mag-manage ng Salon & Spa na pagmamay-ari ng kapatid ni Bing na nasa America. Una nag-aral muna ako sa Seoul tungkol sa Spa Business, nag-attend ng seminars habang itinatayo ang Salon & Spa.

Sobra akong na-challenge sa trabahong ‘yun dahil gusto ko ring matuwa sa akin ang Ate ni Bing kaya’t pinagbuti ko ang trabaho ko. Makaraan ng dalawang taon, masasabi kong OK na ang Spa, established na kami sa area namin kaya’t noon ko pa lang nagawang umuwi ulit dito sa Pilipinas taong 2008 at 2nd year HS na si Elyssa.

Nagulat lang ako dahil parang walang gana ang anak kong makita ako. Parang wala lang ako sa kaniya, parang noong dumating ako,..para sa kaniya ay bisita ko ibang tao ang dumating. Nasaktan ako kapuso kaya’t tinanong ko si Alma. Noon naman nagtapat si Alma sa akin....................

Barangay Love Stories - Ely Part 4


Matapos kaming mag-withdraw ng 60 thousand na siyang kong ibinigay kay Mang Robert,..kokonti na ang natira sa ATM ko noon,..mahigit 10 thousand na lang at yun na lang ang pera ko.

Nagpasiya pa akong sumama sa kaniya sa ospital upang makita ko si Aling Susan. Tulog siya noon kaya’t hindi niya ako nakita pero si Elaine na ampon nila, matagal kaming nagyakap noon at matagal kaming nagkuwentuhan.

Inihatid ako ni Mang Robert sa kasera ko pagkatapos ‘non at kararating ko pa lang sa kasera bantang alas onse y media ng gabi nang may tumatawag sa Cellphone ko. Bagong number. Sinagot ko at narinig ko ang boses ni Elyssa;

Barangay Love Stories - Acel Part 1


Dear Papa Dudut, magandang hapon sa lahat ng mga kabarangay nating nakikinig ngayon. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Acel. Ako po ay isang probinsyana ngunit nandito ako ngayon sa Maynila. May isang araw Baclaran, malapit sa simbahan kung saan ako galing, isang babae ang nakabangga sa akin at sa halip na mag-sorry ang babaeng ito ay nagalit pa sa akin. Maayos naman siyang manamit ngunit masangsang ang amoy ng kaniyang bunganga, kasing-sangsang ng mga salitang lumabas doon sa pagsasabing ‘tatanga-tanga daw ako. Di ko raw tinitngnan ang dinadaanan ko. Naliliitan daw ba ako sa kaniya?’ Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa uri pa lang ng pananalita niya’y halatang hindi siya uurong sa ano mang sagupaan kaya’t nilayasan ko na lang. Pumara ako ng taxi upang magpahatid sa puwesto ng kaibigan ko kung saan ako umaangkat ng mga paninda ko, pero kasasakay ko pa lang ng Taxi nang i-check ko ang shoulder bag ko, biglang bumayo ang dibdib ko nang makita kong halos ang kabibili kong cellphone na lang ang laman nito. Nalaslas ang bag ko ng hindi ko namamalayan at nakuha ang lumang CP at ang wallet ko. Medyo malaki lang kasi ang kahon ng bagong cellphone kaya’t hindi ito nahugot mula sa butas ng pagkakalaslas nito.............................................

Barangay Love Stories - Acel Part 2


Nagkaroon lang ng problema sa Dry Goods dahil nag-abroad ang talagang may-ari at ipinagkatiwala niya ang Dry Goods Store sa kaniyang hipag na bruha. Halos lahat kami ay nag-alisan noon dahil masama talaga ang ugali niya. Noon kami lumipat sa Bazaar ni Ishung na noon ay bagong bukas lang. Masaya kami noon kasi mas malaki ang suweldo, may 13th month at bonus pa tuwing December. Mabait kasi talaga si Ishung sa mga tao niya pero hindi ko sukat akalaing magkakagusto siya sa akin. Noong mga panahong ito ay college na ang kapatid kong si Arnie at high school na si Amanda. Si Papa noon ay madalas nang nagkakasakit. Naisip ko nga, buti na lang at nalipat ako sa Bazaar kung saan mas mataas ang suweldo, pero ‘yun nga lang tumaas din ang pangangailangan ng pamilya ko. Buti nga hindi ako gaanong maarte sa katawan. Madalang akong bumili ng damit kasi may uniform naman kami sa Bazaar. Tama na yung may lotion ako, shampoo, conditioner, sabon, mumurahing cologne, sanitary napkin. Ito lang ang regular kong pinagkakagastusan.........................................................

Barangay Love Stories - Acel Part 3


Hindi ko sineryoso ang usapang ‘yun sa pagitan namin ni Bien at napansin kong na-bad-trip siya sa mga biro ko base lang sa istura niya at sa pananahimik niya. Kaya lang noong pauwi na kami, nasa Highway kami nang bigla na lang niyang itinabi ang kaniyang kotse sa ilalim ng puno sa highway at bigla niya akong siniil ng halik. Nagulat ako noong una, pero hindi ako nagpumiglas at hindi ko rin siya itinulak. Nilasap ko ang halik niya hanggang sa maramdaman ko na lang na lumalaban na ako sa maalab niyang halik. Matagal ang halikang ‘yun at pagkatapos ‘non; “Itatanan na kita..” sabi niya. Muli akong natawa. “Nasa Metro Manila tayo Bien. Hindi uso ang tanan dito…” Sabi ko. “Mahal mo ako Acel, ramdam ko ‘yun sa halik mo. Natatakot ka lang sa matandang Taiwanese kaya pinipigilan mong mahulog sa akin….”........................

Barangay Love Stories - Acel Part 4


TInupad ni Nomer ang sinabi niyang tatawag siya pagdating niya ng New Zealand. Nabigla daw siya sa klema doon kaya’t may lagnat siya. Sobrang ginaw daw kasi. Isang linggo ang dumaan mula nang umalis si Nomer, bumalik naman sa Taiwan ang asawa at mga anak ni Ishung. Dahil doon ay nagsama na ulit kami ni Ishung sa apartment. Ibenenta na niya ang bahay na dati nilang tinirhan ng asawa’t mga anak niya. Mahal ko na rin si Ishung noon pero kung kukuwentahin ko ang pagmamahal ko sa tatlong lalaki sa buhay ko, siguro ang kay Ishung ang pinaka-maliit. Puwede kong sabihin na ang pagmamahal ko kay Ishung ay 15% lang. 35% kay Nomer at 50% kay Bien. Oo, masasabi kong si Bien ang pinaka-mahal ko pero mula noong magsama kami noon January 3 ay napansin kong hindi siya nagpaparamdam. Sa text niya minsan ay sinabi niyang busy siya sa negosyo niya.............................

Barangay Love Stories - Derek Part 1



Isa sa mga pinakamatiyagang i-edit ngayong taong ito ay ang kwento ni Derek. Magulo kasi ang pagkakasulat at hindi gaanong maganda ang kanyang penmanship. Ngunit may kwenta ang kanyang kwento at kung bakit pinagtiyagaan at pinaghirapang isaayos ng ating editor ay dahil nararapat itong mabasa sa ating programang Barangay Love Stories.

Dear Papa Dudut, magandang araw sa lahat. Sa pagsayad ng kamay kong may hawak na ballpen sa puting papel na ito upang isulat itong kwento ng buhay ko, hindi ko maiwasang maalala ang papel kung saan isinulat ni Nika ang kanyang huling mensahe para sa akin bago niya kitilin ang sarili niyang buhay. Idinikit ni Nika ang papel sa dingding ng kanyang kuwarto bago niya ibinitin ang kanyang sarili...................................

Barangay Love Stories - Derek Part 2

Si Ehra ang nakababatang kapatid ni Kanor. Lahi talaga nila ang may magandang pisikal na itsura. May lahi kasing Chinese ang Mommy nila. Alam na ni Kanor na matagal ko ng gusto ang kapatid niya pero siya mismo ang nagsasabing kung hindi ako magbabago ay hindi ako magugustuhan ng kapatid niya. Sosyal kasi si Ehra at ayon pa kay Kanor ay kagaya ni Kuya Rocky ang type ni Ehra...........................

Barangay Love Stories - Derek Part 3


Barangay Love Stories - Runo Part 1


Magandang hapon po. Ako po si Runo. Totoong pangalan ko po ito. Pinagsamang pangalan ng mga magulang kong sina Ruben at Nora. Halata po na hindi sila masyadong nag-isip ng magandang pangalan para sa akin. Sabagay, hindi naman nakapagtataka kung tinamad silang magisip ng ipapangalan nila sa akin kasi nga, tinamad din silang alagaan ako.

Hanggang ngayon, masama ang loob ko sa kanila. Sabi ni Maya, masama daw magtanim ng sama ng loob sa magulang pero sabi ko naman, siguro kung minahal ka bilang anak masama talaga. Pero kung pinabayaan ka lang naman siguro hindi mo talaga maiiwasang sumama ang loob mo sa kanila.

Ang babaeng nagsilang sa akin ay taga-diyan sa Isabela. Isa siyang Ilokana. May mga alam na akong salitang ilokano, pero hindi ang aking ina ang nagturo sa akin kundi si Maya. Ang aking ama naman, nandito sa Maynila pero hindi ko siya kasama. May ibang pamilya na siya at bruha ang asawa niya. May kapatid na rin ako sa ama, sina Jayson at Jinky. Mabait si Jasyon pero si Jinky, mana sa ina niyang suwapang..........................

Barangay Love Stories - Runo Part 2


Pareho kaming walang cellphone ni Carlo noon kaya kinailangan pa namang puntahan si Ysah para alamin kung kailan kami magde-date. May CP ako dati pero kinuha ni Mamu noong takasan siya ng jowa niyang si Tito Romar. Lahat ng pera nila winidraw ni Tito Romar dun sa joint account nila, tapos pati CellPhone ni Mamu, tinangay din ni Tito Romar noong sumama siya kay Mercy na ilokana.

GRO si Mercy at nagkakasera siya malapit sa amin. Si Tito Romar naman, ahente ng Meat Products noon. Matagal nang jowa ni Mamu si Tito Romar. Maliit pa ako noong magsama sila kaya naniwala si Mamu na mahal talaga siya ni Tito Romar. Yun pala after 7 years nilang pagsasama, tatakasan pala siya at tatangayin lahat ng pera niya at sasama lang sa babaeng Ilokana. Kaya nga masama talaga ang tingin ko noon sa mga Ilokana.

Alas siyete ng gabi nang nasa bahay kami ng kaibigan ng mama ni Carlo kung saan nakatira si Ysah pero wala pa si Ysah kaya naghintay kami. Si Carlo kasi ang nagsabi sa akin na sinabi raw sa kaniya ni Ysah na mag-date kami minsan. Naniwala naman ako.............................

Reader: Papa Bono

Barangay Love Stories - Runo Part 3


Sa parlor, nagkuwentuhan pa kami ni Maya at noon ako nakapag-sorry sa kaniya kasi naniwala ako kay Kuya Joko. Noon ko rin nakilalang mabuti si Maya, hindi siya kagaya ng ibang babaeng tauhan sa mga kuwento ni Kuya Joko.

Nagkape pa nga kami ni Maya kahit gabi na kasi masarap ang kuwentuhan namin. Sina Tito Romy at Mamu naman, akala namin matutulog na. Yun pala nagwa-one-on-one sa pagto-tong its. Naikuwento pa sa akin ni Maya na nagpadala siya ng kuwento ng buhay niya diyan sa inyong programa noon. Na-touch nga ako sa kuwento niya eh,..muntika na akong maiyak.

Sabi ni Maya,..isulat ko din daw ang story ng buhay ko.

“Hindi marunong magsulat eh…’ Sabi ko.

“Tutulungan kita. Madali lang yun at saka,..may mga editors sila doon. Aayusin pa nila ang story mo…” Sabi niya.

“Eh pano yun,..wala pa namang ending na maganda…”

“Eh saka na lang, kapag may magandang ending na…” Sagot niya. Si Maya,..ibang klaseng babae. Masuwerte ang lalaking mamahalin niya balang araw. Hindi pa siya nagka-boyfriend dahil apat lang daw ang inaasikaso niya sa buhay niya......................................

Barangay Love Stories - Runo Part 4



Lasing si Mamu noong datnan ko.

“Alam kong babalik ka pero sana hindi na lang…” Sabi niya.

“Bakit ba? Bakit ka naglalasing?”

“Wala. I’m fine…’ Sabi niyang nakangiti. Pero alam mo kapuso, parang match na match talaga kami ni Ysah. Parang kumikilos talaga ang Diyos para magtagpo ang buhay namin kasi noong gabi ring ‘yun ay inihatid niya ang Mama niya sa pier. Pinauwi na niya at siya ay umalis na rin sa bahay ng Tita Myka niya.

“Puntahan ako mamaya sa barong-barong. Dun tayo mag-usap…” Sabi niya. Pero kaagad akong nagpunta sa barong-baron ni Carlo. Kinuha ko kay Carlo ang susi kaya nakapasok ako. Nakita ko sa loob ang malalaking bag ni Ysah at mga stuff toys na puro Betty Boop. Unan na Betty Boop at noong buksan ko ang kahon ang dating pigurin na Betty Boop. Adik talaga si Ysah sa Betty Boop......................................

Barangay Love Stories - Clint Part 1


Noong una akong mapunta dito sa Cagayan ay katatapos ko lang ng Elementary. Bakasyon noon at piyesta dito kaya naisipan ni Changge ang umuwi. Ganon si Channge, spontaneous. Pag sumulpot sa isipan niya, aksiyon agad. Hindi siya mahilig mag-plano. Lagi siyang biglaan.

First Time kong ma-meet noon sina Lola Maring, Lolo Elong at Uncle Flor. Iba ang mga ugali nila pero alam kong mababait silang tao. Si Uncle Flor, may kakaibang ugali. Kahit bata pa ako noon ay ramdam kong may masamang ugali si Uncle Flor. Hindi siya palangiti at mahilig siyang magmarunong sa kaniyang mga salita. Natatandaan ko pa ang sabi niya sa akin noon dahil hindi talaga nabura ‘yun sa isipan ko. Ang sabi niya;

“Sa itsura mo, hindi nakapagtatakang wasak ang pamilya mo. Ganiyan ang mga intsik. Puro trabaho, puro pera. Hindi importante ang pamilya. Kaya hindi nakapagtatakang wala kang ama,..dahil siguro ang Tatay mo Diyos niya ang pera…” Ganito ang unang sampol niya sa akin. Nakatanga lang ako sa kaniya noon kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Bata pa kasi ako noon at unang pagkakataon ko siyang makita. Hindi ko pa alam ang ugali. Ang dugtong pa niya noon na mas lalong hindi ko nakalimutan.......................................

Barangay Love Stories - Clint Part 2


Sa totoo lang, naniwala ako kay May Anne. Totoo din kasi ang sinabi niyang mula noong naging kami, hindi na siya naglandi sa iba, nagbago siya pero hindi ko ‘yun napansin dahil malandi pa rin naman siya sa akin. Kahit saan kami abutan, basta’t nag-init siya, may mangyayari talaga. Kaya nga hindi nagbago ang impression ko sa kaniya. Malandi pa rin siya sa tingin ko kasi sa lahat ng pagkakataong may nangyari sa amin, laging siya ang nagyaya. Sa ganong ugali niya, paano ako maniniwalang hindi siya magpapagalaw sa iba habang nasa Cavite siya.

Oo, napamahal na rin siya sa akin pero kulang ang tiwala ko sa kaniya kaya kahit masakit sa akin ay nakipagbreak ako sa kaniya at nanligaw ako ng iba. Si Venus ang pinormahan ko. Isa siya sa apat na babaeng ka-klase ko sa ECE noong 1st year kami pero hindi pa raw siya interesadong magka-boyfriend ulit. Taga-Baler si Venus at may natatangi siyang ganda. Ang sabi niya, nagpunta daw siya ng Cabanatuan para mag-aral at hindi makipag-boyfriend. Ayaw daw niyang biguin ang mga magulang nilang nagkakandakuba sa pagta-trabaho sa bukid nila para lang mapag-aral siya.......................

Barangay Love Stories - Clint Part 3


Pasado alas sais ng gabi noong unang araw ko sa restaurant nang dumating si Neneng at may dalang mga libro. Morena si Neneng pero unang sayad pa lang ng mga mata ko sa kaniya ay parang na-magic kaagad ako. Mahaba ang buho niya pero nakatali. Hindi maputi ang kaniyang mukha pero malinis at may maliliit na dimples pa siya na lumalabas kapag nakangiti siya.

“Eto si Clint,..pamangkin ni Angge…” Narinig kong sabi ni Ate Nida sabay tapik sa pawisan kong balikat, noong ipakilala niya ako sa bagong dating na si Neneng.

“Yan naman si Neneng. Scholar namin ‘yan…” Sabi niya. Sumaludo sa akin si Neneng sabay ngiti. Noon ay tinawag ako sa dining area dahil marami daw liligpitang plato, pero sumunod si Neneng na may dalang tray.......................

Barangay Love Stories - Clint Part 4


Sa China, sa isang hotel ako pinatuloy ni Lai. Siya ay umuwi sa bahay nila. Tatlong araw akong mag-isang namamasyal at noon pang-apat na araw, sinundo ako ni Lai. May pupuntahan daw kaming party pero sandali lang kami. Magpapakita lang daw kami sa mga tao pero wala akong kakausapin kahit sino. Basta pagdating namin ng party, dapat nakahawak siya sa braso ko at mag-pretend akong girlfriend ko siya. Dapat sweet kami.

Sumakay kami noon sa LRT. Then, ,may sumundo sa amin na isang itim at magarang kotse papunta sa party na ginanap sa garden ng isang Hotel.

“Ready?” sabi niya nang papasok pa rin kami sa hotel sabay hawak sa braso ko. “Smile tayo…happy tayo…we love each other so much….” Narinig kong sabi niya. Umikot lang kami at siya kakaway-kaway lang sa mga nakakakita sa kaniya. Pero nang mapansin niyang may lalapit sa kaniya ay hinila niya ako palayo. Halatang gusto niyang iwasan ang babaeng ‘yun. Lahat ng makasalubong namin kangitian niya habang naka-kapit siya sa akin. Noong nasa pasilyo na kami ay bigla siyang huminto.................................

Barangay Love Stories - NC Part 1


Magandang hapon. Ito niyo na lang po ako sa pangalang NC. Letter N and Letter C. Initial ito ng first name ko. May kakambal ako, si Niño. Male version ko siya pero lumaki kaming magka-away.

Babae po ako pero bata pa lang ako ay mahilig na ako sa larong basketball. Impluwensiya ito ng panganay naming si Kuya Rick na siyang pinaka-close kong kapatid.

Noong Elementary ako, College na si Kuya Rick at lagi akong nakikipanood sa kaniya kapag nakatutok siya sa basketball sa TV. Star player din si Kuya Rick sa kanilang Varsity Team sa school nila noon at dito sa Barangay namin tuwing liga, laging panalo ang purok namin sa interbarangay dahil sa galing ng laro ng kuya ko. Sa basketball nabuo ang buhay ni Kuya Rick. Pero ang nakakalungkot, sa basketball din siya namatay. Napasma. Nagkasakit at hindi na gumaling.

Barangay Love Stories - NC Part 2


Pawis na pawis ako noong dumating ako sa bahay at kaagad akong pinaglitan ni Mama.

“Nagtatakbo ka nanaman siguro NC….” Tanong pa ni Mama. Hindi ko muna siya pinansin. Dumeretso ako sa kuwarto ko, nagpunas saka nagbihis. Hindi mawala si isip ko si Jimson at noong tingnan ko ang phone ko, napangiti ako nang makita kong may dalawa siyang text. Yung una;

“Tandaan mo tong araw na ‘to na sinagot mo ako. Mahal na mahal kita at hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kahit tinakbuhan mo nanaman ako…” Yung pangalawa.

“Ano bang gusto mong tawagan natin? Gusto ko yung sweet? Honey o babes….” Wala akong load noon kaya hindi ako nagreply. Hindi kasi ako mahilig magtext. Sina Mama at Papa at ang dalawang Ate ko sa Maynila lang ang tumatawag sa akin. Puro tawag sila pag importante. Pero noong matapos kaming kumain, lumabas ako ng bahay para mag-load. Suot ko noon ang Orange na Jersey ko na uniform ko noong intrams namin pero pagdating ko sa tindahan, parang gusto kong umatras nang makita ko kung sino ang mga kararating din lang na nakasakay sa scooter. Sina Harry at Fred.

Barangay Love Stories - NC Part 3


Lumipas ang taon na ‘yun Papa Dudut na,…nakikipaglaban ako sa sarili kong damdamin para kay Jimson. Wala akong pinansin sa mga nanligaw sa akin lalo na noong mag-Intrams ulit ako ako nanaman ang nagpanalo sa Woman’s Basketball Team namin. Friends na lang talaga kami ni Jimson, yung turing niya sa akin pero ako,..mahal na mahal ko siya ng sobrang higit sa isang kaibigan.

Noong bakasyon after graduation, nagkita kami ni Jimson sa Mart One-Santiago. Kasama ko si Mama ko noon pero nakapagkuwentuhan kami sandali ni Jimson. Sabi niya sa Manila daw siya mag-aaral. Sa New Era University. Hinihintay kong hingiin niya ang number ko pero hindi niya ginawa. Hindi naman maganda na ako pa ang hihingi ng number niya kaya’t hinayaan ko na lang.

Barangay Love Stories - NC Part 4


Isang 3rd year High School na 5’8” ang height ang nakuha kong pang-kumpleto sa Purok Team namin. Tumulong nga sa coaching si Jude, kaming dalawa at dahil lagi kaming magkasama noon ay hindi ko naiwasang mahulog sa kaniya. Siya din naman ay halatadong nahuhulog na rin sa akin dahil napapangiti ko na siya kahit mga korning jokes ko lang.

Yung team nina Harry ang malakas noon dahil ang tatangkad nila, kami naman pumapalo din ang team namin sa diskarte lang dahil magaling mag-coach si Jude, magaling sa diskarte. Sabi ko sa kaniya, sure sana ang panalo namin kung player siya. Pero kapag ganito ang tirada ko, nananahimik siya.

Natapos ang liga,..3rd naman kami. Champion sina Harry at ang lakas nilang mangantiyaw pero OK lang. Wala sa akin ‘yun dahil masaya ako sa bawat araw na kasama ko si Jude hanggang sa noong pista, isinama ko siya sa bahay.

 Note: Ung sa dulo mapapansin ninyo iba na ung boses si Papa Bono na yon kasi nagloko record kaya dinugtong ko lang. Thanks!

Barangay Love Stories - Louisse Part 1

Matagal na akong tagahanga ng programang ito hindi lang dahil sa napakaraming nakakaantig at puno ng aral at inspirasyong mga kuwento kundi dahil ang programang ito ay parang Memory Box na bawat letter sender. Ang bawat kuwento kasi ay puno ng mga ala-ala. Gaya nga nasa linya ng inyong theme song,….

Napakahalaga ng ala-ala sa buhay ng isang tao. Natutunan ko ang kahalagahan ng bawat memories mula sa aking sumalangit nang Lolo na siyang nagbigay sa akin ng aking kauna-unahang memory box. Siya mismo ang gumawa ng kahon na ‘yun mula sa kahoy ng paper tree na sukat na 6X10 inches at may lalim na 7 inches. Ang aking Lolo ay isang Engineer pero siya ay mahusay ding karpentero. Ibigay niya ito sa akin noong 10th birthday ko, Grade 4 ako noon. Naka-ukit sa takip ng memory box ang pangalangan kong; Louisse...................................

Barangay Love Stories - Louisse Part 2


1ST runner up si Bry noong Foundation Day. Marami ulit siyang pictures na kinunan ni Borj na pina-develop ko. Para sa akin, si Bry ang pinaka-guwapo sa lahat ng lalaking candidates. Kahit hindi siya maputi, para sa akin siya dapat ang nanalo. Masama ang manlait pero hindi talaga ako masaya na si Frank na mukhang bading na naka-make up pa ang nakakuha ng title.

Noong sumapit naman ang JS Prom namin noong 4th year na kami, namayani ang isang pangarap sa akin na sana si Bry ang ka-partner ko pero sabi ko nga, pangarap lang ‘yun. Alam kong masayang-masaya si Bry noon dahil si Cindy ang partner niya sa cotillon at ayon kay Rikael ay nagkakamabutihan na ang dalawa. Alam kong sensitive si Rikael sa feelings ko kaya halos pahapyaw lang siya magkuwento tungkol kina Bry at Cindy at nagkukuwento lang siya kapag nagtatanong ako. Alam kong alam niyang masasaktan ako kaya’t konti lang siya magkuwento. Tama. Nasasaktan ako pero sinanay ko ang sarili kong makinig sa kuwento tungkol sa mahal kong iba ang mahal.............................................

Barangay Love Stories - Louisse Part 3


Kung iisipin kong isang katurapan ng matagal nang pangarap ang maging kami ni Bry, ito ay isang mapait na katotohanan. Oo kami na nga, pero hindi ko ramdam. Regular siyang magtext at tumawag pero kulang sa lambing. Ako naman, hindi sanay sa relasyon. Siya ang unang relasyon ko at ang inaasahan kong mangyari sa aming relasyon ay kagaya ng mga relasyong sa pelikula na napapanood ko. Maraming lambingan, sobrang attached.

Pero hindi kami ganon ni Bry. Parang may distansiya sa amin. Parang may bakod. Gusto kong matuwa noong sumapit ang first monsary namin at sa isang rooftop resto kami nag-date with all the same red roses, champagne at candle light dinner,..and after that was a gentle kiss from him to my lips. Nakakatuwa. Akala ko lalaplapin niya ako kaya medyo ibinuka ko ang labi ko pero ‘yun pala, smack lang at hindi man lang yata inabot ng isang segundo. Parang humalik lang sa mahal na anak.

Barangay Love Stories - Louisse Part 4


Panay ang miscall ni Bry noong nag-i-impake ako. Marami siyang text before that na hindi ko narereplayan. Gaya ng gawa mo? Kumain ka na ba?’ Mas madalas, mga text ni Nelby ang mas gusto kong replayan kahit na ‘ui. Gawa mo?’ rereplayan ko naman ng ‘eto, tumulay sa alambre habang kumakain ng buhay ng manok…” “Magician ka pala?” “Cirkera tanga!” sagot ko. “Ay sori. Tao lang…” ganon ang reply niya. Hindi ako sanay magtext ng ganon kaya lang parang masaya at OK naman kay Nelby. Noong gabing ‘yun na ready na ang bagahe ko. Nasa school pa si Nelby pero dati na daw siyang naka-impake. Marami lang daw siyang tinatapos ng grades ng mga estudyante niya. Bigla akong kinatok ni Ate Luds. “Nandito si boyfriend. Parang wala siyang alam sa bakasyon mo…” Sabi niya. Bahagya akong kinabahan pero hinarap ko pa rin si Bry.

ShareThis

 
Themes by Bonard Alfin Site Meter Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines