Barangay Love Stories - Derek Part 1



Isa sa mga pinakamatiyagang i-edit ngayong taong ito ay ang kwento ni Derek. Magulo kasi ang pagkakasulat at hindi gaanong maganda ang kanyang penmanship. Ngunit may kwenta ang kanyang kwento at kung bakit pinagtiyagaan at pinaghirapang isaayos ng ating editor ay dahil nararapat itong mabasa sa ating programang Barangay Love Stories.

Dear Papa Dudut, magandang araw sa lahat. Sa pagsayad ng kamay kong may hawak na ballpen sa puting papel na ito upang isulat itong kwento ng buhay ko, hindi ko maiwasang maalala ang papel kung saan isinulat ni Nika ang kanyang huling mensahe para sa akin bago niya kitilin ang sarili niyang buhay. Idinikit ni Nika ang papel sa dingding ng kanyang kuwarto bago niya ibinitin ang kanyang sarili...................................

Barangay Love Stories - Derek Part 2

Si Ehra ang nakababatang kapatid ni Kanor. Lahi talaga nila ang may magandang pisikal na itsura. May lahi kasing Chinese ang Mommy nila. Alam na ni Kanor na matagal ko ng gusto ang kapatid niya pero siya mismo ang nagsasabing kung hindi ako magbabago ay hindi ako magugustuhan ng kapatid niya. Sosyal kasi si Ehra at ayon pa kay Kanor ay kagaya ni Kuya Rocky ang type ni Ehra...........................

Barangay Love Stories - Derek Part 3


Barangay Love Stories - Runo Part 1


Magandang hapon po. Ako po si Runo. Totoong pangalan ko po ito. Pinagsamang pangalan ng mga magulang kong sina Ruben at Nora. Halata po na hindi sila masyadong nag-isip ng magandang pangalan para sa akin. Sabagay, hindi naman nakapagtataka kung tinamad silang magisip ng ipapangalan nila sa akin kasi nga, tinamad din silang alagaan ako.

Hanggang ngayon, masama ang loob ko sa kanila. Sabi ni Maya, masama daw magtanim ng sama ng loob sa magulang pero sabi ko naman, siguro kung minahal ka bilang anak masama talaga. Pero kung pinabayaan ka lang naman siguro hindi mo talaga maiiwasang sumama ang loob mo sa kanila.

Ang babaeng nagsilang sa akin ay taga-diyan sa Isabela. Isa siyang Ilokana. May mga alam na akong salitang ilokano, pero hindi ang aking ina ang nagturo sa akin kundi si Maya. Ang aking ama naman, nandito sa Maynila pero hindi ko siya kasama. May ibang pamilya na siya at bruha ang asawa niya. May kapatid na rin ako sa ama, sina Jayson at Jinky. Mabait si Jasyon pero si Jinky, mana sa ina niyang suwapang..........................

Barangay Love Stories - Runo Part 2


Pareho kaming walang cellphone ni Carlo noon kaya kinailangan pa namang puntahan si Ysah para alamin kung kailan kami magde-date. May CP ako dati pero kinuha ni Mamu noong takasan siya ng jowa niyang si Tito Romar. Lahat ng pera nila winidraw ni Tito Romar dun sa joint account nila, tapos pati CellPhone ni Mamu, tinangay din ni Tito Romar noong sumama siya kay Mercy na ilokana.

GRO si Mercy at nagkakasera siya malapit sa amin. Si Tito Romar naman, ahente ng Meat Products noon. Matagal nang jowa ni Mamu si Tito Romar. Maliit pa ako noong magsama sila kaya naniwala si Mamu na mahal talaga siya ni Tito Romar. Yun pala after 7 years nilang pagsasama, tatakasan pala siya at tatangayin lahat ng pera niya at sasama lang sa babaeng Ilokana. Kaya nga masama talaga ang tingin ko noon sa mga Ilokana.

Alas siyete ng gabi nang nasa bahay kami ng kaibigan ng mama ni Carlo kung saan nakatira si Ysah pero wala pa si Ysah kaya naghintay kami. Si Carlo kasi ang nagsabi sa akin na sinabi raw sa kaniya ni Ysah na mag-date kami minsan. Naniwala naman ako.............................

Reader: Papa Bono

Barangay Love Stories - Runo Part 3


Sa parlor, nagkuwentuhan pa kami ni Maya at noon ako nakapag-sorry sa kaniya kasi naniwala ako kay Kuya Joko. Noon ko rin nakilalang mabuti si Maya, hindi siya kagaya ng ibang babaeng tauhan sa mga kuwento ni Kuya Joko.

Nagkape pa nga kami ni Maya kahit gabi na kasi masarap ang kuwentuhan namin. Sina Tito Romy at Mamu naman, akala namin matutulog na. Yun pala nagwa-one-on-one sa pagto-tong its. Naikuwento pa sa akin ni Maya na nagpadala siya ng kuwento ng buhay niya diyan sa inyong programa noon. Na-touch nga ako sa kuwento niya eh,..muntika na akong maiyak.

Sabi ni Maya,..isulat ko din daw ang story ng buhay ko.

“Hindi marunong magsulat eh…’ Sabi ko.

“Tutulungan kita. Madali lang yun at saka,..may mga editors sila doon. Aayusin pa nila ang story mo…” Sabi niya.

“Eh pano yun,..wala pa namang ending na maganda…”

“Eh saka na lang, kapag may magandang ending na…” Sagot niya. Si Maya,..ibang klaseng babae. Masuwerte ang lalaking mamahalin niya balang araw. Hindi pa siya nagka-boyfriend dahil apat lang daw ang inaasikaso niya sa buhay niya......................................

Barangay Love Stories - Runo Part 4



Lasing si Mamu noong datnan ko.

“Alam kong babalik ka pero sana hindi na lang…” Sabi niya.

“Bakit ba? Bakit ka naglalasing?”

“Wala. I’m fine…’ Sabi niyang nakangiti. Pero alam mo kapuso, parang match na match talaga kami ni Ysah. Parang kumikilos talaga ang Diyos para magtagpo ang buhay namin kasi noong gabi ring ‘yun ay inihatid niya ang Mama niya sa pier. Pinauwi na niya at siya ay umalis na rin sa bahay ng Tita Myka niya.

“Puntahan ako mamaya sa barong-barong. Dun tayo mag-usap…” Sabi niya. Pero kaagad akong nagpunta sa barong-baron ni Carlo. Kinuha ko kay Carlo ang susi kaya nakapasok ako. Nakita ko sa loob ang malalaking bag ni Ysah at mga stuff toys na puro Betty Boop. Unan na Betty Boop at noong buksan ko ang kahon ang dating pigurin na Betty Boop. Adik talaga si Ysah sa Betty Boop......................................

Barangay Love Stories - Clint Part 1


Noong una akong mapunta dito sa Cagayan ay katatapos ko lang ng Elementary. Bakasyon noon at piyesta dito kaya naisipan ni Changge ang umuwi. Ganon si Channge, spontaneous. Pag sumulpot sa isipan niya, aksiyon agad. Hindi siya mahilig mag-plano. Lagi siyang biglaan.

First Time kong ma-meet noon sina Lola Maring, Lolo Elong at Uncle Flor. Iba ang mga ugali nila pero alam kong mababait silang tao. Si Uncle Flor, may kakaibang ugali. Kahit bata pa ako noon ay ramdam kong may masamang ugali si Uncle Flor. Hindi siya palangiti at mahilig siyang magmarunong sa kaniyang mga salita. Natatandaan ko pa ang sabi niya sa akin noon dahil hindi talaga nabura ‘yun sa isipan ko. Ang sabi niya;

“Sa itsura mo, hindi nakapagtatakang wasak ang pamilya mo. Ganiyan ang mga intsik. Puro trabaho, puro pera. Hindi importante ang pamilya. Kaya hindi nakapagtatakang wala kang ama,..dahil siguro ang Tatay mo Diyos niya ang pera…” Ganito ang unang sampol niya sa akin. Nakatanga lang ako sa kaniya noon kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Bata pa kasi ako noon at unang pagkakataon ko siyang makita. Hindi ko pa alam ang ugali. Ang dugtong pa niya noon na mas lalong hindi ko nakalimutan.......................................

Barangay Love Stories - Clint Part 2


Sa totoo lang, naniwala ako kay May Anne. Totoo din kasi ang sinabi niyang mula noong naging kami, hindi na siya naglandi sa iba, nagbago siya pero hindi ko ‘yun napansin dahil malandi pa rin naman siya sa akin. Kahit saan kami abutan, basta’t nag-init siya, may mangyayari talaga. Kaya nga hindi nagbago ang impression ko sa kaniya. Malandi pa rin siya sa tingin ko kasi sa lahat ng pagkakataong may nangyari sa amin, laging siya ang nagyaya. Sa ganong ugali niya, paano ako maniniwalang hindi siya magpapagalaw sa iba habang nasa Cavite siya.

Oo, napamahal na rin siya sa akin pero kulang ang tiwala ko sa kaniya kaya kahit masakit sa akin ay nakipagbreak ako sa kaniya at nanligaw ako ng iba. Si Venus ang pinormahan ko. Isa siya sa apat na babaeng ka-klase ko sa ECE noong 1st year kami pero hindi pa raw siya interesadong magka-boyfriend ulit. Taga-Baler si Venus at may natatangi siyang ganda. Ang sabi niya, nagpunta daw siya ng Cabanatuan para mag-aral at hindi makipag-boyfriend. Ayaw daw niyang biguin ang mga magulang nilang nagkakandakuba sa pagta-trabaho sa bukid nila para lang mapag-aral siya.......................

Barangay Love Stories - Clint Part 3


Pasado alas sais ng gabi noong unang araw ko sa restaurant nang dumating si Neneng at may dalang mga libro. Morena si Neneng pero unang sayad pa lang ng mga mata ko sa kaniya ay parang na-magic kaagad ako. Mahaba ang buho niya pero nakatali. Hindi maputi ang kaniyang mukha pero malinis at may maliliit na dimples pa siya na lumalabas kapag nakangiti siya.

“Eto si Clint,..pamangkin ni Angge…” Narinig kong sabi ni Ate Nida sabay tapik sa pawisan kong balikat, noong ipakilala niya ako sa bagong dating na si Neneng.

“Yan naman si Neneng. Scholar namin ‘yan…” Sabi niya. Sumaludo sa akin si Neneng sabay ngiti. Noon ay tinawag ako sa dining area dahil marami daw liligpitang plato, pero sumunod si Neneng na may dalang tray.......................

Barangay Love Stories - Clint Part 4


Sa China, sa isang hotel ako pinatuloy ni Lai. Siya ay umuwi sa bahay nila. Tatlong araw akong mag-isang namamasyal at noon pang-apat na araw, sinundo ako ni Lai. May pupuntahan daw kaming party pero sandali lang kami. Magpapakita lang daw kami sa mga tao pero wala akong kakausapin kahit sino. Basta pagdating namin ng party, dapat nakahawak siya sa braso ko at mag-pretend akong girlfriend ko siya. Dapat sweet kami.

Sumakay kami noon sa LRT. Then, ,may sumundo sa amin na isang itim at magarang kotse papunta sa party na ginanap sa garden ng isang Hotel.

“Ready?” sabi niya nang papasok pa rin kami sa hotel sabay hawak sa braso ko. “Smile tayo…happy tayo…we love each other so much….” Narinig kong sabi niya. Umikot lang kami at siya kakaway-kaway lang sa mga nakakakita sa kaniya. Pero nang mapansin niyang may lalapit sa kaniya ay hinila niya ako palayo. Halatang gusto niyang iwasan ang babaeng ‘yun. Lahat ng makasalubong namin kangitian niya habang naka-kapit siya sa akin. Noong nasa pasilyo na kami ay bigla siyang huminto.................................

Barangay Love Stories - NC Part 1


Magandang hapon. Ito niyo na lang po ako sa pangalang NC. Letter N and Letter C. Initial ito ng first name ko. May kakambal ako, si NiƱo. Male version ko siya pero lumaki kaming magka-away.

Babae po ako pero bata pa lang ako ay mahilig na ako sa larong basketball. Impluwensiya ito ng panganay naming si Kuya Rick na siyang pinaka-close kong kapatid.

Noong Elementary ako, College na si Kuya Rick at lagi akong nakikipanood sa kaniya kapag nakatutok siya sa basketball sa TV. Star player din si Kuya Rick sa kanilang Varsity Team sa school nila noon at dito sa Barangay namin tuwing liga, laging panalo ang purok namin sa interbarangay dahil sa galing ng laro ng kuya ko. Sa basketball nabuo ang buhay ni Kuya Rick. Pero ang nakakalungkot, sa basketball din siya namatay. Napasma. Nagkasakit at hindi na gumaling.

Barangay Love Stories - NC Part 2


Pawis na pawis ako noong dumating ako sa bahay at kaagad akong pinaglitan ni Mama.

“Nagtatakbo ka nanaman siguro NC….” Tanong pa ni Mama. Hindi ko muna siya pinansin. Dumeretso ako sa kuwarto ko, nagpunas saka nagbihis. Hindi mawala si isip ko si Jimson at noong tingnan ko ang phone ko, napangiti ako nang makita kong may dalawa siyang text. Yung una;

“Tandaan mo tong araw na ‘to na sinagot mo ako. Mahal na mahal kita at hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kahit tinakbuhan mo nanaman ako…” Yung pangalawa.

“Ano bang gusto mong tawagan natin? Gusto ko yung sweet? Honey o babes….” Wala akong load noon kaya hindi ako nagreply. Hindi kasi ako mahilig magtext. Sina Mama at Papa at ang dalawang Ate ko sa Maynila lang ang tumatawag sa akin. Puro tawag sila pag importante. Pero noong matapos kaming kumain, lumabas ako ng bahay para mag-load. Suot ko noon ang Orange na Jersey ko na uniform ko noong intrams namin pero pagdating ko sa tindahan, parang gusto kong umatras nang makita ko kung sino ang mga kararating din lang na nakasakay sa scooter. Sina Harry at Fred.

Barangay Love Stories - NC Part 3


Lumipas ang taon na ‘yun Papa Dudut na,…nakikipaglaban ako sa sarili kong damdamin para kay Jimson. Wala akong pinansin sa mga nanligaw sa akin lalo na noong mag-Intrams ulit ako ako nanaman ang nagpanalo sa Woman’s Basketball Team namin. Friends na lang talaga kami ni Jimson, yung turing niya sa akin pero ako,..mahal na mahal ko siya ng sobrang higit sa isang kaibigan.

Noong bakasyon after graduation, nagkita kami ni Jimson sa Mart One-Santiago. Kasama ko si Mama ko noon pero nakapagkuwentuhan kami sandali ni Jimson. Sabi niya sa Manila daw siya mag-aaral. Sa New Era University. Hinihintay kong hingiin niya ang number ko pero hindi niya ginawa. Hindi naman maganda na ako pa ang hihingi ng number niya kaya’t hinayaan ko na lang.

Barangay Love Stories - NC Part 4


Isang 3rd year High School na 5’8” ang height ang nakuha kong pang-kumpleto sa Purok Team namin. Tumulong nga sa coaching si Jude, kaming dalawa at dahil lagi kaming magkasama noon ay hindi ko naiwasang mahulog sa kaniya. Siya din naman ay halatadong nahuhulog na rin sa akin dahil napapangiti ko na siya kahit mga korning jokes ko lang.

Yung team nina Harry ang malakas noon dahil ang tatangkad nila, kami naman pumapalo din ang team namin sa diskarte lang dahil magaling mag-coach si Jude, magaling sa diskarte. Sabi ko sa kaniya, sure sana ang panalo namin kung player siya. Pero kapag ganito ang tirada ko, nananahimik siya.

Natapos ang liga,..3rd naman kami. Champion sina Harry at ang lakas nilang mangantiyaw pero OK lang. Wala sa akin ‘yun dahil masaya ako sa bawat araw na kasama ko si Jude hanggang sa noong pista, isinama ko siya sa bahay.

 Note: Ung sa dulo mapapansin ninyo iba na ung boses si Papa Bono na yon kasi nagloko record kaya dinugtong ko lang. Thanks!

Barangay Love Stories - Louisse Part 1

Matagal na akong tagahanga ng programang ito hindi lang dahil sa napakaraming nakakaantig at puno ng aral at inspirasyong mga kuwento kundi dahil ang programang ito ay parang Memory Box na bawat letter sender. Ang bawat kuwento kasi ay puno ng mga ala-ala. Gaya nga nasa linya ng inyong theme song,….

Napakahalaga ng ala-ala sa buhay ng isang tao. Natutunan ko ang kahalagahan ng bawat memories mula sa aking sumalangit nang Lolo na siyang nagbigay sa akin ng aking kauna-unahang memory box. Siya mismo ang gumawa ng kahon na ‘yun mula sa kahoy ng paper tree na sukat na 6X10 inches at may lalim na 7 inches. Ang aking Lolo ay isang Engineer pero siya ay mahusay ding karpentero. Ibigay niya ito sa akin noong 10th birthday ko, Grade 4 ako noon. Naka-ukit sa takip ng memory box ang pangalangan kong; Louisse...................................

Barangay Love Stories - Louisse Part 2


1ST runner up si Bry noong Foundation Day. Marami ulit siyang pictures na kinunan ni Borj na pina-develop ko. Para sa akin, si Bry ang pinaka-guwapo sa lahat ng lalaking candidates. Kahit hindi siya maputi, para sa akin siya dapat ang nanalo. Masama ang manlait pero hindi talaga ako masaya na si Frank na mukhang bading na naka-make up pa ang nakakuha ng title.

Noong sumapit naman ang JS Prom namin noong 4th year na kami, namayani ang isang pangarap sa akin na sana si Bry ang ka-partner ko pero sabi ko nga, pangarap lang ‘yun. Alam kong masayang-masaya si Bry noon dahil si Cindy ang partner niya sa cotillon at ayon kay Rikael ay nagkakamabutihan na ang dalawa. Alam kong sensitive si Rikael sa feelings ko kaya halos pahapyaw lang siya magkuwento tungkol kina Bry at Cindy at nagkukuwento lang siya kapag nagtatanong ako. Alam kong alam niyang masasaktan ako kaya’t konti lang siya magkuwento. Tama. Nasasaktan ako pero sinanay ko ang sarili kong makinig sa kuwento tungkol sa mahal kong iba ang mahal.............................................

Barangay Love Stories - Louisse Part 3


Kung iisipin kong isang katurapan ng matagal nang pangarap ang maging kami ni Bry, ito ay isang mapait na katotohanan. Oo kami na nga, pero hindi ko ramdam. Regular siyang magtext at tumawag pero kulang sa lambing. Ako naman, hindi sanay sa relasyon. Siya ang unang relasyon ko at ang inaasahan kong mangyari sa aming relasyon ay kagaya ng mga relasyong sa pelikula na napapanood ko. Maraming lambingan, sobrang attached.

Pero hindi kami ganon ni Bry. Parang may distansiya sa amin. Parang may bakod. Gusto kong matuwa noong sumapit ang first monsary namin at sa isang rooftop resto kami nag-date with all the same red roses, champagne at candle light dinner,..and after that was a gentle kiss from him to my lips. Nakakatuwa. Akala ko lalaplapin niya ako kaya medyo ibinuka ko ang labi ko pero ‘yun pala, smack lang at hindi man lang yata inabot ng isang segundo. Parang humalik lang sa mahal na anak.

Barangay Love Stories - Louisse Part 4


Panay ang miscall ni Bry noong nag-i-impake ako. Marami siyang text before that na hindi ko narereplayan. Gaya ng gawa mo? Kumain ka na ba?’ Mas madalas, mga text ni Nelby ang mas gusto kong replayan kahit na ‘ui. Gawa mo?’ rereplayan ko naman ng ‘eto, tumulay sa alambre habang kumakain ng buhay ng manok…” “Magician ka pala?” “Cirkera tanga!” sagot ko. “Ay sori. Tao lang…” ganon ang reply niya. Hindi ako sanay magtext ng ganon kaya lang parang masaya at OK naman kay Nelby. Noong gabing ‘yun na ready na ang bagahe ko. Nasa school pa si Nelby pero dati na daw siyang naka-impake. Marami lang daw siyang tinatapos ng grades ng mga estudyante niya. Bigla akong kinatok ni Ate Luds. “Nandito si boyfriend. Parang wala siyang alam sa bakasyon mo…” Sabi niya. Bahagya akong kinabahan pero hinarap ko pa rin si Bry.

ShareThis

 
Themes by Bonard Alfin Site Meter Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines