Barangay Love Stories - Sherilyn Part 1
Magandang oras po sa inyong lahat. Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Sherilyn. Mula noong mamulat ako sa mundong ito naging napaka-ordinaryo ng buhay ko. Hindi ako kapos sa pera o material na bagay dahil suportado ako ng mga auntie kong nasa abroad. Ang kulang sa akin, pagmamahal.
Noong magkaisip na ako, nagsimula akong maghanap ng pagmamahal…at noong matuto na akong umibig, noon ako nagsimulang mangarap. Simpleng pangarap lang na makakatagpo ako ng taong magmamahal sa akin at mamahalin ko rin,..yun ang aking naging pangarap.
At noong 1999. Pista namin noon,..noon ko nakita ang lalaking tutupad sa aking simpleng pangarap. Masasabi kong Love at first sight ‘yun dahil noong unang salubong pa lang ng aming mga mata, naramdaman ko kaagad ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya............................
Barangay Love Stories - Sherilyn Part 2
Taong 2005 nung magtapos kami sa kolehiyo pero gustuhin ko mang mag-trabaho, wala din akong mapasukan dito. Hindi ko naman puwedeng iwanan si Lola Marga dahil sabi ng mga Auntie ko, pasuwelduhin na lang daw nila ako para lang may kasama si Lola.
Hindi nila maintindihan ang katotohanang gusto ko naman sanang lumabas sa bayang ito at hanapin ang kapalaran ko sa ibang lugar. Hindi na lang ako nagrereklamo dahil sa totoo lang, wala naman akong puwedeng isumbat sa kanila. Si Lola Marga naman, wala ding problema sa kaniya maliban lang sa pang-iinis niya sa akin na magmamana daw ako sa mga anak niyang matandang dalaga..................
Barangay Love Stories - Sherilyn Part 3
Nung sumunod na gabi, nagulat ako dahil biglang tumawag si Nico. Ang lalakas ng paghinga niya.
“Sherilyn,..huwag ka munang magtetext. Kukunin ni Papa ang mga CP namin. Hintayin mo na lang ako sa linggo..” Pagkatapos ‘non ay wala na siya sa linya. Napangiti na lang ako at hindi ko maiwasang mainis sa kanilang ama. Sang-ayon kasi ako sa pananaw ng Mama ni Nico. Bakit kailangan pa silang pahirapan bago bigyan ng mana? Anak naman niya ang mga ito at obligasyon ng mayamang magulang ang bigyan ng kabuhayan ang mga iiwan nitong anak.
Maarte ang ama nila, pero hanga ako kay Nico kung totoo mang hindi niya ginagawa ang challenge dahil lang sa mana. Nauunawaan ko siya kung bakit gutom siya sa pagmamahal ng isang ama, dahil ganon din ako. Sinanay ko lang kasi ang sarili kong walang ama. May Tatay ako, nasa Nueva Vizcaya pero hindi ko siya nakakasama mula pa noong maliit ako...............................
Barangay Love Stories - Sherilyn Part 4
Dumalaw nga si Daniel, may dala pang bulaklak at laruan para kay Nicky. Tuwang-tuwa ang anak ko na noon ay 3 years old na at marami nang nasasabi kay Daniel kahit hindi naman niya kilala. Sandali silang naglaro at nakaramdam ako ng awa sa anak ko. Hindi pa siya marunong maghanap ng ama,..pero alam kong sa panahong may isip na siya’y maghahanap siya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
Pero may isang umaga. Alam kong tinanghali ako ng gising. Nagtaka lang ako dahil wala sa tabi ko ang anak ko,..pero paglingon ko sa kabilang side ng kama. Mukha ng lalaki ang nakita ko,…ang mukhang kay tagal kong inaasam na makita ulit,..mukha ni Nico..................................
Barangay Love Stories - Gabelle Part 1
Paano mo ba maipadadama ang pag-ibig sa puso mo para sa taong mahal mo kung umid ang iyong dila. Paano mo maipapakita sa gawa ang pagmamahal na iyan kung bumabara sa ugat mo ang utos ng utak mo na huwag mo itong gawin. Paano mo ba wawalain ang tumigas ng pride sa katauhan mo kung ang ipaglaban siya ay hindi mo nagawa dahil sa kagagawan ng iba. Magandang araw mga kabarangay inyo pong mapapakinggan ang kwento ni Gabelle………………………………
Barangay Love Stories - Gabelle Part 2
Madali lang akong nawawala sa focus kapag may problema ako kaya’t naaapektuhan ulit ako sa aking pag-aaral. Nawalan ako ng interest dahil hindi ko nakitaan ng interest si Frank na pakasalan ako. Sari-sari ang pumapasok sa isipan ko. Sabi niya ay magtatapos lang daw siya ng pag-aaral at magpapakasal kami. Pero naisip ko pano kung tapos na siya tapos ay bigla siyang nawala. Lalayo na lang siya at magtatago sa malayo. Hindi gigil kong sigaw sa sarili ko. Tinext ko siya noon at sinabi kong magsasabi na ko sa Mama ko at Ate ko ...............................................
Barangay Love Stories - Ely Part 1
Sabi nila, ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.
Magandang oras po sa inyong lahat. Ako po si Ely. Namulat po ako sa buhay na mas masasabing mahirap kesa may kaya. Ang aming Tatay ay magsasaka at si Nanay ay sa bahay lang.
Tatlo kaming magkakapatid. Lalaki ang aming panganay, ako ang sumunod at si Evita ang bunso. Limang taon ang agwat ng bawat isa sa amin. Halatang maayos itong plinano ng aming magulang.
Noong ako ay mag-college, nasa abroad na si Kuya Erol na panganay namin matapos kumuha ng dalawang taong Electrical Vocational course dito sa Tuguegarao. Dahil sa tulong ni Kuya Erol ay nakapag-enroll ako ng kursong Nursing sa Laoag City, Ilocos Norte. Ito kasi ang pangarap kong kurso. Mahigpit nga lang noon ang bilin ni Kuya na bawal sa akin ang makipag-boyfriend at umiwas ako sa barkada. Nagawa ko naman ito sa unang dalawang taon ko sa college ngunit noong 3rd year na ako, hindi ko na naiwasan ang umibig. Sabi ko, tao lang ako. Normal ang pagkakabae ko kaya’t natural lang ang magmahal.................
Barangay Love Stories - Ely Part 2
Kahit papaano Papa Dudut ay nakakaraos naman kami ng anak ko noon kahit na masasabing kakarampot lang ang suweldo ko. Masasabi kong maayos naman kami kaya lang, nagsimula akong matakot noong maramdaman kong may pagnanasa sa akin si Mang Robert na landlord ko. Unang tuklas ko ng kaniyang masamang hangarin ay noong makita ko ang mukha niya sa bintana ng banyo kung saan ako naliligo.
Pangalawa ang paghawak niya sa kamay ko habang nagluluto ako sa kusina at pangatlo ang walang pakundangan niyang pagpasok ng madaling araw sa kuwarto ko at nag-aalok ng pera, pagbigyan ko daw lamang siya.
“Gusto ko lang magkaanak…” ganito ang narinig kong sabi niya.
“Huwag kang mag-alala Ely,..hindi ko kayo pababayaan…” sabi pa niya.
“Eh may anak naman na po kayo, si Elaine…at saka ayaw ko pang magalit sa akin si Aling Susan kaya para na po ninyong awa Mang Robert,..lumabas na po kayo…” Takot na takot kong pakiusap noon pero ang sagot niya...........................................
Barangay Love Stories - Ely Part 3
Noong year 2006, bumalik ako ng Korea dahil may magandang trabaho daw para sa akin. Mag-manage ng Salon & Spa na pagmamay-ari ng kapatid ni Bing na nasa America. Una nag-aral muna ako sa Seoul tungkol sa Spa Business, nag-attend ng seminars habang itinatayo ang Salon & Spa.
Sobra akong na-challenge sa trabahong ‘yun dahil gusto ko ring matuwa sa akin ang Ate ni Bing kaya’t pinagbuti ko ang trabaho ko. Makaraan ng dalawang taon, masasabi kong OK na ang Spa, established na kami sa area namin kaya’t noon ko pa lang nagawang umuwi ulit dito sa Pilipinas taong 2008 at 2nd year HS na si Elyssa.
Nagulat lang ako dahil parang walang gana ang anak kong makita ako. Parang wala lang ako sa kaniya, parang noong dumating ako,..para sa kaniya ay bisita ko ibang tao ang dumating. Nasaktan ako kapuso kaya’t tinanong ko si Alma. Noon naman nagtapat si Alma sa akin....................
Barangay Love Stories - Ely Part 4
Matapos kaming mag-withdraw ng 60 thousand na siyang kong ibinigay kay Mang Robert,..kokonti na ang natira sa ATM ko noon,..mahigit 10 thousand na lang at yun na lang ang pera ko.
Nagpasiya pa akong sumama sa kaniya sa ospital upang makita ko si Aling Susan. Tulog siya noon kaya’t hindi niya ako nakita pero si Elaine na ampon nila, matagal kaming nagyakap noon at matagal kaming nagkuwentuhan.
Inihatid ako ni Mang Robert sa kasera ko pagkatapos ‘non at kararating ko pa lang sa kasera bantang alas onse y media ng gabi nang may tumatawag sa Cellphone ko. Bagong number. Sinagot ko at narinig ko ang boses ni Elyssa;
Barangay Love Stories - Acel Part 1
Dear Papa Dudut, magandang hapon sa lahat ng mga kabarangay nating nakikinig ngayon. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Acel. Ako po ay isang probinsyana ngunit nandito ako ngayon sa Maynila. May isang araw Baclaran, malapit sa simbahan kung saan ako galing, isang babae ang nakabangga sa akin at sa halip na mag-sorry ang babaeng ito ay nagalit pa sa akin. Maayos naman siyang manamit ngunit masangsang ang amoy ng kaniyang bunganga, kasing-sangsang ng mga salitang lumabas doon sa pagsasabing ‘tatanga-tanga daw ako. Di ko raw tinitngnan ang dinadaanan ko. Naliliitan daw ba ako sa kaniya?’ Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa uri pa lang ng pananalita niya’y halatang hindi siya uurong sa ano mang sagupaan kaya’t nilayasan ko na lang. Pumara ako ng taxi upang magpahatid sa puwesto ng kaibigan ko kung saan ako umaangkat ng mga paninda ko, pero kasasakay ko pa lang ng Taxi nang i-check ko ang shoulder bag ko, biglang bumayo ang dibdib ko nang makita kong halos ang kabibili kong cellphone na lang ang laman nito. Nalaslas ang bag ko ng hindi ko namamalayan at nakuha ang lumang CP at ang wallet ko. Medyo malaki lang kasi ang kahon ng bagong cellphone kaya’t hindi ito nahugot mula sa butas ng pagkakalaslas nito.............................................
Barangay Love Stories - Acel Part 2
Nagkaroon lang ng problema sa Dry Goods dahil nag-abroad ang talagang may-ari at ipinagkatiwala niya ang Dry Goods Store sa kaniyang hipag na bruha. Halos lahat kami ay nag-alisan noon dahil masama talaga ang ugali niya. Noon kami lumipat sa Bazaar ni Ishung na noon ay bagong bukas lang. Masaya kami noon kasi mas malaki ang suweldo, may 13th month at bonus pa tuwing December. Mabait kasi talaga si Ishung sa mga tao niya pero hindi ko sukat akalaing magkakagusto siya sa akin. Noong mga panahong ito ay college na ang kapatid kong si Arnie at high school na si Amanda. Si Papa noon ay madalas nang nagkakasakit. Naisip ko nga, buti na lang at nalipat ako sa Bazaar kung saan mas mataas ang suweldo, pero ‘yun nga lang tumaas din ang pangangailangan ng pamilya ko. Buti nga hindi ako gaanong maarte sa katawan. Madalang akong bumili ng damit kasi may uniform naman kami sa Bazaar. Tama na yung may lotion ako, shampoo, conditioner, sabon, mumurahing cologne, sanitary napkin. Ito lang ang regular kong pinagkakagastusan.........................................................
Barangay Love Stories - Acel Part 3
Hindi ko sineryoso ang usapang ‘yun sa pagitan namin ni Bien at napansin kong na-bad-trip siya sa mga biro ko base lang sa istura niya at sa pananahimik niya. Kaya lang noong pauwi na kami, nasa Highway kami nang bigla na lang niyang itinabi ang kaniyang kotse sa ilalim ng puno sa highway at bigla niya akong siniil ng halik. Nagulat ako noong una, pero hindi ako nagpumiglas at hindi ko rin siya itinulak. Nilasap ko ang halik niya hanggang sa maramdaman ko na lang na lumalaban na ako sa maalab niyang halik. Matagal ang halikang ‘yun at pagkatapos ‘non; “Itatanan na kita..” sabi niya. Muli akong natawa. “Nasa Metro Manila tayo Bien. Hindi uso ang tanan dito…” Sabi ko. “Mahal mo ako Acel, ramdam ko ‘yun sa halik mo. Natatakot ka lang sa matandang Taiwanese kaya pinipigilan mong mahulog sa akin….”........................
Barangay Love Stories - Acel Part 4
TInupad ni Nomer ang sinabi niyang tatawag siya pagdating niya ng New Zealand. Nabigla daw siya sa klema doon kaya’t may lagnat siya. Sobrang ginaw daw kasi. Isang linggo ang dumaan mula nang umalis si Nomer, bumalik naman sa Taiwan ang asawa at mga anak ni Ishung. Dahil doon ay nagsama na ulit kami ni Ishung sa apartment. Ibenenta na niya ang bahay na dati nilang tinirhan ng asawa’t mga anak niya. Mahal ko na rin si Ishung noon pero kung kukuwentahin ko ang pagmamahal ko sa tatlong lalaki sa buhay ko, siguro ang kay Ishung ang pinaka-maliit. Puwede kong sabihin na ang pagmamahal ko kay Ishung ay 15% lang. 35% kay Nomer at 50% kay Bien. Oo, masasabi kong si Bien ang pinaka-mahal ko pero mula noong magsama kami noon January 3 ay napansin kong hindi siya nagpaparamdam. Sa text niya minsan ay sinabi niyang busy siya sa negosyo niya.............................
Subscribe to:
Posts (Atom)