Ako po ay produkto ng broken family. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Noong maghiwalay ang mga magulang ko, isinama ni Mama ang dalawang nakababatang kapatid ko at ako’y naiwan kay Papa. Nakatira kami noon sa poder ni Lola Coring at si Lola ang nag-alaga sa akin. Hindi ko masisisi si Mama kung bakit niya iniwan si Papa dahil sa papa ay isang taong nabubuhay sa bisyo. Lahat na halos ng bisyo meron siya. Lahat ng klase ng sugal, alam niya. Naging malupit sa akin ang aking ama, mabuti na lamang at nariyan si Lola na siyang laging nagtatanggol sa akin kaya lang noong mamatay si Lola, noon ko na tuluyang dinanas ang maraming kalbaryo sa buhay sa kamay ng aking sariling ama at mga uncles at auntie ko na kapatid ni Papa............................
Barangay Love Stories - Eko Part 1
Ako po ay produkto ng broken family. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Noong maghiwalay ang mga magulang ko, isinama ni Mama ang dalawang nakababatang kapatid ko at ako’y naiwan kay Papa. Nakatira kami noon sa poder ni Lola Coring at si Lola ang nag-alaga sa akin. Hindi ko masisisi si Mama kung bakit niya iniwan si Papa dahil sa papa ay isang taong nabubuhay sa bisyo. Lahat na halos ng bisyo meron siya. Lahat ng klase ng sugal, alam niya. Naging malupit sa akin ang aking ama, mabuti na lamang at nariyan si Lola na siyang laging nagtatanggol sa akin kaya lang noong mamatay si Lola, noon ko na tuluyang dinanas ang maraming kalbaryo sa buhay sa kamay ng aking sariling ama at mga uncles at auntie ko na kapatid ni Papa............................
Barangay Love Stories - Eko Part 2
Hiyang-hiya ako sa mga tao noong mga sumunod na araw. Iba ang tingin nila sa akin at ‘yung iba ay sumisigaw talaga sa mukha na magnanakaw ako. Tapos si Papa, konting mali ko lang susuntok kaagad. Nagtiis pa ako kapuso kasi parang mali talaga kung bigla akong mawawala. May mga tao din namang hindi naniniwalang kaya kong magnakaw, sa kanila ko sinasabi ang totoo na mga pinsan ni Gary ang nagnakaw at sila ang nagbigay sa amin ni Gary ng pambayad. Sabi ko kahit libutin nila ang lahat ng rice mill sa buong bayan kung nakapagbenta kami ng palay.
Pero sa totoo lang, kaya kong tiisin ang pangit na tingin ng mga tao sa akin. Hindi ako masyadong apektado dahil alam ko ang totoo. Ang hindi ko lang kayang tiisin noon ay si Aira. Ang pambe-break niya sa akin at ‘yung idea na hindi na kami. Masakit ‘yun sa akin dahil mahal na mahal ko siya.
Barangay Love Stories - Eko Part 3
May isang umaga ng biyernes, day-off ko ‘yun at magkasama kami ni Lola Ela sa pamamalengke ng ulam sa Don Domingo nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, isang magandang babae ang ko; si Nely ang pinsan ni Aira. Kay ganda ng ngiti ni Nely noon at siyempre, si Aira kaagad ang tinanong ko; “Tulog pa kaninang umalis ako eh…” malungkot niyang sabi sabay tanong kung sino ang kasama ko; “Bago kong Lola, si Lola Ela. Lola, si Nely…” Agad namang nagsalita si Lola; “Maganda ka Nely. Maganda ang kulay mo, morena at halatang mabait ka. Bagay kayo nitong apo ko…” Tumawa muna si Nely bago sumagot; “Yung pinsan ko pa ang….gusto ni Eko, hindi po ako…” ganito ang sagot ni Nely, pero sa pandinig ko ay parang may kurot yun sa damdamin ko, sabay titig sa mukha ni Nely at ang tanong din na; bakit nga ba hindi si Nely ang niligawan ko? Maganda rin naman siya at mabait pa at higit sa lahat, bagay kami dahil pareho lang kaming mahirap..............................
Barangay Love Stories - Eko Part 4
Sa text at facebook ang naging means of communication namin ni Nely. Sinagot niya ako sa text. Sobra akong naligayahan noon at kung puwede lang sana ay puntahan ko siya noon ding araw na ‘yun pero hindi naman puwede dahil hindi ko puwedeng iwanan si Lola Ela. Matagal bago ako nagkaroon ng pagkakataong makababa ng Baguio. Dalawang taon. Noon lang dumating sina Ate Chato saka ako nakalaya. Bakasyon noon at katatapos ko lang ng 2nd year. Gusto kong surpresahin si Nely kaya’t hindi ko sinabi sa uuwi ako. Alam ko naman nasa baryo siya dahil walang pasok at hndi naman daw sila magsa-summer ni Aira. Deretso ako sa barangay namin at may mga pasalubong ako kay Papa kahit hindi ko sigurado kung nagbago na siya o kung may halaga na ako sa kaniya. Wala si Papa noong dumating ako sa bahay pero noong dumating siya, akala ko lasing kasi bigla niya akong niyakap pero hindi naman siya amoy alak. Natuwa ako noon dahil parang nagbago na. siya rin ang nagsabi sa akin na nadaanan niya si Aira sa sapa, sa ilalim ng punong mangga at mag-isa lang siya doon..............................
Barangay Love Stories - Jana Part 1
Gaano ba kahalaga ang joke o biro sa buhay natin? May importansya nga ba ito? Sabi kasi nila hindi maganda ang masyadong seryoso. Madali daw kapitan ng sakit sa puso at ang pagtawa ay maganda dahil ito ang pinakamainam na gamot. Kaya araw-araw at oras-oras sa ating mga programa dito sa Barangay Love Stories at mga programa dito sa radio ay may mga jokes din tayo kahit papaano. Dahil gusto naming sumaya kayo kahit papaano at gumanda ang tibok ng inyong mga puso. Kaya lang ang seryosong buhay ng ating kabarangay na si Jana na siyang may-ari ng kwentong inyong mapapakinggan ay napasukan ng hindi magandang biro. Kung ano ito ay alamin sa pamamagitan ng pagtutok ng walang biro sa kwento ng buhay at pag-ibig ni Jana……………………………
Barangay Love Stories - Jana Part 2
October 28, 2010 tuloy na tuloy na ang kasal ni Margie sa wakas ay tuloy na. Abay ka pa rin ha sabi niya sa kanyang text at ang petsa ay November 7-8, 2010. Agad kong napansin na birthday ko ang kasal ni Margie ngunit hindi na ko nag-react pa. Alangan namang kasing iatras niya ang date ng kasal niya dahil sa birthday ko. Isa pa ay matagal nang inaasam ni Margie na matuloy ang kasalan na iyon na apat na taon ng naantala.
Barangay Love Stories - Jana Part 3
Ubos lakas ang ginawa kong pagtakbo pero ilang sandali lang ay may humablot sa akin. Napasigaw ako pero nang malaman kong si Ero ang humatak sa akin ay tumalima ako. Jana paanas niyang sabi. Ero.... Hanggang sa naramdaman kong hinila niya ako pababa. Gumapang lang tayo papunta doon bulong niya. Sumunod ako sa kanya hanggang maramdaman kong nasa ilalim kami ng isang maliit na puno ng kahoy........................
Barangay Love Stories - Jana Part 4
Noong matapos ang kasal sa maliit na kapilya ng barangay nila Arnold ay nagsipagbalikan ang lahat sa bahay nila Arnold para sa tanghalian. Nagtry si Margie na pag-usapin kami ni Joan pero tumanggi ako. Inasahan kong gagawa ng eksena si Joan dahil hindi pa siya nilalapitan ni Ero. Sa akin na lagi nakadikit si Ero pero walang ginawa si Joan. Mayamaya pa ay nakita kong umalis si Joan..............................................
Barangay Love Stories - Gideon Part 1
Kaya mo bang isigaw sa buong bayan ang pagmamahal mo sa isang tao? Kung kaya mo bibilib sa iyo ang taong mahal mo. Si Gideon o GB sa buong barangay niya ay gustong patunayan ang pagmamahal niya sa babaeng mahal niya. Sabi mo siguro maliit lang barangay lang. Eh kung sabihin ko sa inyo na overall na pinakikinggan tuwing Sunday at araw-araw ang barangay love stories. Ito ang kanyang gagamitin upang mapatunayan niyang mahal niya ang taong iyon. Maliliitan ka pa ba? Edi hindi lang buong Metro Manila kundi buong Pilipinas. Oo mga kabarangay ginawa iyon ni GB kaya ito na ang kanyang kwento na ipinadala sa pamamagitang ng kanyang email address..........................................
Barangay Love Stories - Gideon Part 2
Hindi nabura sa isipan ko ang napanood ko sa DVD ni Kuya Elmo. Ginising ko lang si Daryl noong tapos na ang palabas at ang daming ginawa ng mga tauhan. Sa kabilang kalsada kami dumaan ni Daryl noong pauwi na kami. May pinasok pa kaming bakuran ng mga apartment. Magkaharap na mga apartment iyon sa gitna ng paradahan ng mga sasakyan at mga laruan ng mga bata. Pinuntahan naming si Ero Boy na kaibigan din ni Daryl pero ayaw palabasin si Ero Boy ng nanay niya………………………….
Barangay Love Stories - Gideon Part 3
Kinabukasan matapos akong itext ng ganon ni Gail ay birthday ni Ate Gretel. Umaga pa lang ay marami na silang nilulutong pagkain. Inimbita ko si Benneth at ilang mga close friends ko sa school pera ayaw nilang pumunta. Kung birthday ko raw sana ay pupunta raw sila kaso Ate ko naman daw kaya hindi sila pupunta. Mabuti na lang ay nandito sa bahay si Daryl noon . Tumulong kasi siya sa handaan. Third year high school na si Daryl noon pero magkasingtangkad na kami…………………..
Barangay Love Stories - Gideon Part 4
Para akong wala sa sarili buong araw na iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang text ni Benneth pero hindi ko pa rin nirereplyan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pagkagaling ko sa school noong hapon ay dumeretso ako kay Daryl pero wala siya. Si Nanay Daisy lamang ang nandoon. Nakita kong may alak sa lababo nila. Nay inumin ko na ito ah sabi ko. Bigla siyang nag-alala......................................................................
Barangay Love Stories - Four Part 1
Ang ating kwento ngayong araw na ito na inyong matutunghayan ay ang pagmamahal sa puso ng isang ina at ng isang anak na nawalan ng pag-asang muling mabigyan ng saysay. Kwento ng bagets na si Iverton or Four dito sa barangay love stories.
Dear Papa Dudut, tawagin ninyo na lamang po ako sa pangalang Four. Lalaki po ako at palayaw ko ito na kinuha rin sa real name ko. Ipinanganak ako sa isang bayan sa probinsya ng Ilocos Norte. May isang araw noong 16 years old ako, inutusan ako ni Mommy Des na hanapin ang isang titulo ng lupa sa kuwarto nila. Itinext lamang nila ang utos na iyon dahil nasa opisina sila.....................................
Barangay Love Stories - Four Part 2
Noong matapos ang school year na iyon ay hindi man ako topnotcher sa klase ay mataas din ang grades ko. Bumilib sa akin si Mommy Des. Noon din ay biglang nasabi sa akin nina Mommy Des at Tito King kung gusto ko raw ay ampunin nila ako legally kung gusto ko. Gusto ko po ah mabilis kong sagot. Eh gawin nating legal ang lahat sagot ni Tito King. Ang mangyayari kasi Four ay papalitan ang apelyido mo. Ang magiging apelyido mo ay ang apelyido namin sabi niya pero ang sagot ko ay okay lang……….........................
Barangay Love Stories - Four Part 3
Alas-dose pa lang ng tanghali ng makarating kami sa barrio nila Papa. Masaya ako noon dahil nakatayo si Papa sa harap ng bahay. May tungkod nga lang siya pero at least ay nakakalakad na siya. Hindi kagaya noon na nakahiga lamang siya at lahat ng kailangan niya ay kailangang iaabot sa kanya. Sabi rin ng doctor noon ay kung tuloy-tuloy lang ang pag-inom ng gamot ni Papa ay gagaling ang sakit niya sa baga. Tuberculosis kasi ang sakit niya na nakakahawa daw iyon pero noon ay talagang masigla na si Papa at medyo tumataba na rin. Masay rin nagkwento si Lola sa mga improvement ni Papa…………………………
Barangay Love Stories - Four Part 4
Sa salas ay kinausap kami ni Mama. Marami siyang tanong at halos hindi matapos ang tanong habang siya ay lumuluha pa rin. Dito na kayo titira, dito na kayo mag-aaral. Nasa America ang kaibigan kong may-ari ng bahay na ito. Ginawa naming boarding house ang bahay na ito at ako ang namamahala. May suweldo rin ako dito at magtatayo ako ng tindahan sa labas. Kakayanin ko kayong pag-aralin. Naiiyak na sabi niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya o sisimulang sabihin sa kanya ang sadya ko………………….
Subscribe to:
Posts (Atom)