Barangay Love Stories - Aries Part 1


Aling pangarap ang gusto mong matupad? Ang pangarap mong uri ng buhay o ang pangarap mong makakasama sa buhay? Ang kwentong ito ay mula sa kabarangay nating nagpapatago sa pangalang Aries.

Dear Papa Dudut, itago ninyo na lang po ako sa pangalang Aries, babae po ako at nag-iisang anak at matatanda ang mga magulang ko. Sabi nila “miracle baby” daw ako. Forty-five years old na si Mama noong ipinanganak niya ako at si Papa naman ay 47 years old. Mga debotong Katoliko ang mga magulang ko lalo na si Mama. Sila daw ni Papa noon ay nagdasal sa maraming simbahan upang sila ay mabiyayaan ng anak...........

Barangay Love Stories - Aries Part 2


Ang karugtong ng mga kwento ng buhay sa barangay love stories. Kumuha ng kursong Criminology si Yogi. Ako naman ay hindi pinayagang mag-enroll sa malayo. Ayaw ng parents ko. Sa text kami palagi nag-uusap ni Yogi. Masipag siyang magtext ng kung anu-ano lang at kapag Sabado at Linggo ay lagi siyang napapadaan sa bahay. May dinadrive siyang lumang pick-up noon. Ginagamit na service iyon para sa kanilang poultry at babuyan. Hindi na kasi bumalik ang Papa niya sa abroad at nagtayo na lamang sila ng poultry at sa bukid iyon.

Minsan ay niyaya pa ako ni Yogi doon. Magluluto daw siya ng espesyal na sinampalukang manok at kailangan ko raw matikman........

Barangay Love Stories - Aries Part 4


Barangay Love Stories - Kate Part 1


Story of Love, Life and Hope – Barangay Love Stories

Bakit may mga kapatid na nag-aaway? Bakit sa dinami-dami ng mga taong pwede mong kasuklaman ay ang kapatid mo, kadugo mo. Narito po ang kwento ng kabarangay nating si Kate. Dear Papa Dudut, itago mo na lang ako sa pangalang Catherine. Masaya po ang panahon ng aking kabataan. Kahit na wala akong kinagisnang ama, mapagmahal naman ang aming ina at mabait ang aking Kuya Marlon. Si Mama ay sinubok din ng tadhana. Ayon sa kwento ni Mama una niyang asawa ang tatay ni Kuya Marlon pero nagkahiwalay sila noong dalawang taon pa lamang si Kuya Marlon.....................

Barangay Love Stories - Kate Part 2


Ang karugtong ng mga kwento ng buhay sa barangay love stories.

Ang pag-alis na iyon ni Kuya Marlon ay nagdulot sa amin ng napakatinding sakuna. Kinabukasan ay dumating ang mga magulang ni Adelaida. Noon ko lamang nagawang ipagtapat kila Mama at Tito Nonoy na umalis si Kuya. Nagalit si Tito Nonoy noon pero mas magalit ang Tatay ni Adelaida. Nag-ingay ito at nagbanta na kapag hindi inilabas ni Tito Nonoy si Kuya ay magaganap ang isang malaking gulo.

Naikuwento ko kay Manuel ang tungkol sa banta ng pamilya ni Adelaida. Nag-alala si Manuel para sa kaligtasan namin at nangako siya na tutulong sa amin. Madalas ay dinadalaw ako ni Manuel kasama ng mga pinsan niya..........................

Barangay Love Stories - Kate Part 3



Handa na kong maghanap ng abogado para kay Kuya noong pagdating ko pa lang galing ng Korea pero nagkasakit si Mama. At noong ipacheck-up ko, ay lumitaw na napakarami na pala niyang sakit sa katawan. Noon ako labis na nag-alala at ipinagpasalamat ko na laging nagtetext si Marco at siyang nagbibigay sa akin ng payo kung ano ang mabuti kong gawin. Sinabi niyang tutukan ko ang pagpapagamot kay Mama. Iyon nga muna ang inasikaso ko pero habang ginagawa ko iyon ay may dumating na sulat para sa akin.

Sulat mula kay Ate Cordina. Iyong Ate ni Melba na campaign manager ng Mayor na kinakandidato namin………

Barangay Love Stories - Kate Part 4


Iniwan ko si Marco noong sandaling iyon dahil ayokong lumaki pa ang away namin. Lumabas ako ng bahay hindi para bumalik kina Kuya kundi para magpalamig lang sana kina Josie na kapitbahay at kaibigan ko. Kaso kauupo ko pa lang sa sofa nina Josie ay agad siyang nag-umpisa ng siste sa akin.

Kate talaga bang hindi man lang tutulong ang asawa mo kay Daria? Bakit anong problema ni Ate Daria tanong ko. Si Daria ang nakatatandang kapatid ng asawa ko. Hala nasa hospital si Daria. Grabe ang lagay niya. Kailangan niya ng operasyon sa lalong madaling panahon kasi wala siyang mahanap na pera.......

Barangay Love Stories - Nory Anne Part 1


Itago niyo na lang po ako sa pangalang Nori Anne. Nandito po ako sa Manila and for sure ay hindi ko mapapakinggan ang kuwento ko pero OK lang. Hindi naman ako sumulat para marinig ang story ko kundi dahil ito ay special request ng aking minamahal na nandiyan sa Cagayan. Tatlong araw pa lang ako dito nang muli kaming mag-away ni Mama at mas pinili kong lumabas at magpalamig kesa sa makipagtalo sa kaniya. May high blood kasi si Mama at ayaw ko namang mapahamak siya dahil lang sa galit ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya patawarin. Pinipilit kong unawain siya pero talagang mahirap dahil kung iisipin ko paano nag-ugat ang problema, talagang kasalanan niya at isa siyang napakasamang babae para sa akin.................

Barangay Love Stories - Nory Anne Part 2


Ang lugar na ito ay pinamumugaran ng malaking pamilya nina Mama. Halos lahat sila dito ay magkakamag-anak. Ang mga lalaking pinsan nina Mama ay kinatatakutan dito at isang sumbong lang sana ni Mama sa mga pinsan niya tungkol sa pananakit sa kaniya ni Tito Fred, bugbog sarado na sana si Tito Fred pero kahit minsan, ay hind nagsumbong si Mama sa pananakit sa kaniya ng asawa niyang si Tito Fred. Bakit? Kasi baliw na baliw si Mama kay Tito Fred. Kapag nag-aaway sila noon, naririnig kong binabantaan siya ni Tito Fred na iiwan siya nito.

Ang ginagawa ni Mama, nagpapakumbaba siya at nagmamakaawa. Ilang beses ko nang nakitang sinampal ni Tito Fred si Mama. Pero ang galit ni Mama ay hindi niya mailbas kay Tito Fred,..sa akin niya ito binubunton. Ako ang sinasaktan niya at dinudusa upang mailabas niya ang sama ng loob niya sa asawa niya.................

Barangay Love Stories - Nory Anne Part 3

May isang umaga ng Linggo na kagagaling ko magsimba. Bumibili ako ng Sampaguita para sa altar ni Manang Melba at kasalukuyan akong kumukuha ng pera sa wallet ka nang biglang may lalaking lumapit at kay bilis niyang inagaw sa akin ang wallet ko. Nabigla ako at ni hindi ako naka-imik. Yung batang nagtitindi ng Sampaguita ang nagsisigaw at may isang lalaking humabol sa mandurukot. Ang sabi ng bata, sundan namin ang lalaking humabol sa mandurugas.

Kaso nasalubong namin ang lalaki at ang sabi niya’y wala na. Mabilis daw tumakbo ang mandurukot at lumusot na sa mga eskinita. Noon ay iniwan na rin ako ng bata at binawa niya sa akin ang Sampaguitang hindi ko naman na nabayaran dahil wala na akong pera. Napaluha na lang ako noon at sinimulan ko nang maglakad dahil wala na rin akong pamasahe. Sa paglalakad ko sa sidewalk ng mga buildings ay napansin ko ang maliit na Prayer Book ko na nakakalat sa gilid ng side walk. Pinulot ko ‘yun dahil sure ako na sa akin ‘yun. Kulay Red kasi at may nakasulat na pangalan ko.................

Barangay Love Stories - Nory Anne Part 4


Kasunod noon ay may tinawagan si Ashraf. Pagkatapos ay ipinasa niya sa akin ang telepono. “That’s my sister. Your father is the driver…” sabi niya. Kinuha ko nga ang telepono at babae ang nasa kanilang linya. “Are you Nori?” tanong niya. “Yes maam. I’m Nori…” sagot ko. “You want to talk to your father?” tanong niya. “Yes. Yes…” sagot ko. Pagkatapos ay narinig kong binigkas niya ang salitang ‘Waqafa’na ang ibig sabihn ay stop. Pagkatapos ‘non ay boses na ng lalaki ang narinig ko. “Hello. Sino ito?” Noon ay nanginig na ako. “Si..si Nori Anne po ito. Kayo po ba ang Papa ko?” “Anak? Ikaw ba talaga ‘yan? Bakit nandiyan ka? Hinanap mo ba ako?”................................

Barangay Love Stories - Lidezma Part 1



May mga paraan ang mga magulang sa pagdidisiplina sa anak na akala nila’y epektibo. Ngunit hindi pala dahil ang pasakit dala ng pagdidisiplina ay nagdudulot ng bangungot sa anak na dadalhin niya hanggang sa pagtanda. Si Lidezma na siyang may-ari ng kwentong ito na inyong mapapakinggan ngayong araw ay produkto ng isang masakit na leksiyon na iniaatang sa kanya ng kanyang ina.

Dear Papa Dudut, natatandaan ko pa ang minsang nasabi ng professor ko noong college. Lubos daw na tatalino ang isang tao kung mararanasan nito ang mabilanggo. Gaya nina Ninoy Aquino at Jose Rizal. Ako naman hindi ang pagiging matalino ang natutunan ko sa bilangguan kundi ang pagiging matapang………

Barangay Love Stories - Lidezma Part 2



Inisip kong pumabor sa akin ang pagkakataon ng maging kami ni Daryl. Noon kasi nagsimulang mainlove si Mama sa isang sekta ng relihiyon na hindi ko na lang babanggitin. Naging abala siya dito dahil nagpupunta pa sila sa iba’t-ibang lugar kaya naman naging medyo malaya ako sa relasyon ko kay Daryl.

Nakikitira noon si Tita Lorie sa bahay kasama ng anak niyang si Kleg na noon ay tatlong taong gulang pa lamang. Si Tita Lorie ay kaibigan ni Mommy at ang asawa nito ay nasa abroad. Nasa Saudi. May kakaibang kwento rin ng pag-ibig at pagsubok sina Tita Lorie at Tito Charlie.

Barangay Love Stories - Lidezma Part 3

Barangay Love Stories - Lidezma Part 4

ShareThis

 
Themes by Bonard Alfin Site Meter Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines