Barangay Love Stories - Ellen Part 1
Ang pakikinig ng kwento ay parang pakikinig sa teacher sa kanyang lesson. Ang pagkakaiba lang. Pagkatapos maglecture ng teacher ay pwede kang magtanong kapag mayroon kang hindi naunawaan. Dito sa Barangay Love Stories kapag nagtanong ka kay Papa Dudut kapag mayroon kang hindi naunwaan ay hindi niya mapapangakong masasagot ka niya. Kaya mga Kabarangay para maunawaan moay makinig kang mabuti
dahil ang kwentong tampok ngayon ay nangangailangan ng concentration mo sa pakikinig. Komplikado ang takbo ng kwento at may kalakip pang history particularly noong World War 2 kung saan tinangkang sakupin ng Japan ang ating kalupaan.
Kwento ng buhay at pag-ibig ng isang apo ng isang War Veteran. Kwento ni Ellen dito sa Barangay Love Stories……………………
Barangay Love Stories - Ellen Part 2
Naging maligaya ang mga sumunod na araw sa relasyon namin ni Martin. Sinusundo at hinahatid niya ako sa eskwela at madalas pa ay sabay na kaming kumakain. Noon ay alama na ng buong kasera na may relasyon kami ni Martin. Kami naman kasing dalawa ang pinakamatanda sa kasera dahil ang mga kasama namin ay puro estudyante.
Kaya lang sa bawat relasyon ay talaga sigurong nagkakaroon ng mga problema at pagsubok. Nasampal at nasigawan ko si Martin noong tangkain niya akong kunin. Noon din ay sinabi kong magbreak na kami...................
Part 3 and Part 4 di ko pa maupload bagal kasi ng net. Wait nyo lang.
Barangay Love Stories - Ellen Part 3
Naging palaisipan sa akin ang mga salita ni Mama noong nasa bus na ako papuntang Maynila. Doon ako dumeretso dahil sa paanyaya ng kaibigan kong sumubok mag-apply sa High School na pinagtuturuan niya. Lalong hindi maalis ang mga huling salita ni Mama sa akin Masamang ina ang Lola mo Ellen at sabi ko noon sa sarili ko hindi ako gagaya sa kanya pero now, I admit na mana-mana lang iyan. You’ll begin asking yourself sooner kung kaya ko bang maging mabuting ina kung ang Ina at Lola ko ay hindi naman………………..
Barangay Love Stories - Ellen Part 4
Kapistahan noong araw na iyon at marami nang bisita ang dumarating sa bahay nina Angelo noong ipatawag ako ni Lolo Sebio sa kuwarto nilang mag-asawa. Pagpasok ko noon sa kuwarto ay inabot niya sa akin ang isang notebook na balot ng tela. Masyadong iningatan ni Lucinda ang bagay na yan at wala ni isa sa amin ang nangahas na basahin o buksan ang laman niyan sabi niya.
Paano po napunta ito sa inyo tanong ko. Nabitawan iyan ni Lucinda noong araw na makita niyang pinagbabaril ng mga Hapon sina Conrad at Felipe...........................
Barangay Love Stories - AP Part 1
Sabi nila everything happens for a reason pero paano mo haharapin ang buhay kung ang lahat ng taong mahalaga sa iyo ay iniiwan ka. Hindi ka man lang ba maghahanap ng dahilan. Ang pinakamahaba at isa sa pinakamagandang kwento ay ang kwento ni AP.
Taong 2003 noong maganap ang isang pangyayari na itinuring kong bangungot at sumpa sa buhay ko. Namatay si Mommy sa kagagawan ng aking ama. Dadalawa lamang kami ni Mommy sa mundo mula pa noong maliit ako. Sa Maynila niya ako sinilang pero dito ako lumaki at nasa akin ang pagtataka kung bakit si Papa ay madalang kaming uwian. Kung bakit wala akong Lolo at Lola. Bakit wala akong mga pinsan? Mga Tito at Tita......................
From: Campus Love Stories
Barangay Love Stories - AP Part 2
Napakiusapan ko si Jelyn na matulog muna sa bahay noong gabi matapos mailibing si Mommy pero kahit kasama ko si Jelyn ay sobra pa rin ang pagbalot ng lungkot sa buong bahay namin. Napakatahamik na kasi. Wala na ang mga taong nakilamay. Wala na ang mga ilaw at hinahanap ko ang Mommy ko. Hindi nagsawa si Jelyn sa pagyakap sa akin sa tuwing iiyak ako. Nasa bahay din si Papa noon pero hindi ko siya tinitingnan at lalong hindi ko siya kinakausap........
Barangay Love Stories - AP Part 3
Pinalad naman akong makapasok sa entrance exam sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) Quezon City pero nagsorry ako sa Mommy ko dahil hindi pagiging teacher ang kinuha kong kurso. Naisip ko kasi si Rodgin, ang dati kong boyfriend. Alam kong mamaliitin niya lamang ako kapag naging teacher ako. BSBA major in Human Resource Management ang inenroll ko. Noong araw na nag-enroll ako, buong araw iyon, lumabas din si Abiel at naghanap ng trabaho.
Nadatnan ko na siya sa kasera noong umuwi ako alas-singko ng hapon. Nasa kusina siya noon...........
Barangay Love Stories - AP Part 4
Hindi na muli ako nakatulog noong madaling araw na iyon kapuso. Unattended na ang cellphone ni Abiel. Dasal ako ng dasal. Pati kay Mommy ay nakikiusap na ko na makiusap siya sa Diyos na sagipin si Abiel. Ang hirap dahil wala akong mahingan ng tulong. Nahihiya akong manghingi ng tulong sa mga kaboardmates namin dahil siguradong tulog na tulog pa sila.
Si Marissa na kararating lang galing sa trabaho niyang call center ang unang kong napagsabihan tungkol sa nangyari kay Abiel.................................
Barangay Love Stories - Sandy Part 1
Magandang araw po mga kabarangay muli tayo po ay magsama-sama sa mga kwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa. Kwento po ng ating kabarangay na nagpapatago sa pangalang Sandy ang inyo pong mapapakinggan. Narito po ang cute love story ni Sandy dito sa Barangay Love Stories.
Dear Papa Dudut, magandang araw sa lahat at itago ninyo na lamang po ako sa pangalang Sandy. Nandito po kami sa Manila at excited po kaming mapakinggan and aking kwento. Sumulat po ako upang maranig ang story ko ng aking mga kaibigan at ng aking minamahal. Pareho kasi kaming adik sa programa mo…………..
Barangay Love Stories - Sandy Part 2
I keep on reading articles sa internet even blogs na pinopost ng mga users on certain issues about love, courtship, relationship and the like. At napakarami kong natutunan. Lahat ng interesting tungkol sa pag-ibig………
Barangay Love Stories - Sandy Part 3
Mula sa pamilya ng mahilig sa lupain si Carl. Namuhay sa agrikultura ngunit aminado siya na kakaiba siya sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Si Carl ay walang hilig sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop. Hindi niya gustong maputikan ang kanyang makinis na balat o umitim dahil sa sikat ng araw. Dahil sa gawing ito ni Carl ay tinikis siya ng kanyang mga magulang.............................
Barangay Love Stories - Sandy Part 4
Hindi lang ako ang maligaya ng hapong iyon sa pagbubuklod muli ni Carl at pamilya niya. Ang daming yumakap sa kanya. Sinimulan ng Papang niya tapos ang Uncle niya then ang Kuya niyang panganay. Tapos noon ay lumabas ng bahay ang Mamang niya pati ang mga kapatid niya at mga Tita niya. Ang sarap panoorin ng tagpong iyon habang lumuluha si Carl dahil napatunayan niyang mahal na mahal siya ng kanyang pamilya………
Barangay Love Stories - Chloe Part 1
Dear Kapuso, Mahilig ako sa kuwento kahit noong bata pa lang ako. Marami na akong napanood ng Love Story at Fairy Tales. Nangarap ako na sana, ang maging kuwento ng buhay ko ay kagaya ng mga napanood kong kuwento. Nakakakilig, nakaka-in love at lahat happy ending. Gusto ko ng happy ending na nagtatapos sa paglubog ng araw,..yung natatanaw ko ang araw sa paglubog nito. I love sunset. Gusto ko ring magkaroon ng bahay, sarili kong bahay na itatayo ko sa isang mataas na lugar at pagtanaw mo pa lang sa bintana o sa terrace ay makikita mo na ang dagat. Ito ang matagal ko nang pangarap,..at sa itsura kong ito, hindi ko sukat akalain na matutupad ang mga pangarap ko.
Sa mga pelikulang love story or fairy talaes, magaganda ang mga bida. Nakakalungkot dahil hindi ako kagaya ng mga bidang babae na maamo ang mukha, maganda at sexy ang pangangatawan. Hindi ako ganon dahil hindi ako maganda and definitely, my life in not like the movies. Ako po si Chloie, at narito ang totoong kuwento ng buhay ko.......................
Barangay Love Stories - Chloe Part 2
Nagkita pa ulit kami ni Jerick sa parlor ni Mamu pero hindi na niya ako pinansin. Lumabas sila ni Mamu noon at talagang nasaktan ako kasi hindi man lang niya ako binati. Sa buwisit ko, umuwi ako ng bahay kasi alam kong kaya sila umalis sa parlor ay dahil uuwi sila ng bahay para doon nila gawin ang hind nila magawa sa parlor. Pero pagdating ko ng bahay, walang sina Mamu. Si Manang Duday lang ang nadatnan ko at sinabi niyang hindi naman dumating si Mamu. Lalabas sana ulit ako noon nang makita ko sa gate si Gino. Gaya ng dati, luma ang damit at shorts niya at hindi siya mabango........................................
Barangay Love Stories - Chloe Part 3
Kaya lang, isang araw ay nahuli ko si Gino. 4th year High School na kaming pareho noon at si Gino ay isa nang napakaguwapong lalaki. Mas matangkad na sa akin at maganda na ang pangangatawan, idagdag mo pa ‘yung ganda ng porma niya dahil hindi rin naman siya pinagdadamutan sa pambili ng kaniyang mga gamit. Ano na nga ang nagtitipid para sa sarili ko noon para lang sa kaniya. Natutuwa kasi ako kapag lalong siyang guma-guwapo kapag bagay sa kaniya ang kaniyang porma, samantalang ako,..kahit ano naman ang isuot ko, ganon pa rin ang itsura ko..............
Barangay Love Stories - Chloe Part 4
Dumaan pa ang ilang taon kapuso sa aming pagsasama ni Gino. Ako na ang pinakatangang babae sa araw-araw,..dahil siya’y nakaka-ilang girfriends na samantalang ako, siya lang ang lalaki sa buhay ko pero ginawa kong manhid ang sarili ko sa lahat ng sakit na ipadadama niya sa akin...................
Subscribe to:
Posts (Atom)